CHAPTER 17

253 12 0
                                    

CHAPTER 17.

Third Person's POV.

Kanina pa naiirita si Kira sa kaniyang inuupuan. Kanina pa nilang umaga hinihintay ang CEO ng R.A.D. , maaga silang nagpunta dito sa conference for the meeting. Pero ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin ang CEO. Kung pagmamasdan mo ay siya lamang ang may mukhang naiirita sa paghihintay habang yung ibang CEO naman na naghihintay din ay kalmado lamang sa kanilang inuupuan. Si Drey lang sana ang pupunta sa meeting pero itong si Kira na dikit ng dikit kay Drey sumama-sama pa. Ang mga CEO na ito ay galing Paris kaya kilala nila kung sino ang CEO ng R.A.D. , tanging si Drey lamang ang naiiba sa kanila. Kaya kasali si Drey sa meeting na ito dahil may lakas din siya as a CEO.

"My gosh!!! Bakit ba ang tagal ng CEO na yun?!!", Maarte niyang reklamo habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kaniyang mga kamay.

Hindi siya pinansin ng mga tao na nasa loob at abala lamang sila na naguusap habang hinihintay ang pagdating ng CEO.

"Babe, bakit ang tagal?!", Reklamo niyang binalingan si Drey ngunit nakatuon lamang ang atensiyon nito sa cellphone.

"Sinabi ko bang sumama ka?", Malamig nitong tanong.

Padabog na umayos ng upo si Kira habang hindi maipinta ang mukha. Sumandal siya sa swivel chair at tinignan ang upuan ng CEO ng R.A.D. , napairap siyang iniwas ang tingin doon. Maarte niyang inayos ang kaniyang buhok at kinuha muna ang kaniyang cellphone saka nanalamin.

Maya-maya ay napatigil sila sa kanilang ginagawa at napalingon sa pintuan nang bumukas iyon. Pumasok ang sekretarya na may yakap-yakap na tablet. Humarap siya sa mga CEO nang nakangiti.

"Good morning po sa inyo. Papunta na po dito ang CEO.", magalang niyang usal.

Nginitian lamang siya ng mga CEO at tumango. Naglakad siya patungo sa kaniyang pwesto at umupo doon upang maghintay sa CEO.

"Asan ba ang CEO niyo? Bakit ang tagal naman ata?", Taas kilay na tanong ni Kira sa sekretarya ni Raya.

Nginitian siya nito.

"May kausap pa po kasi siya sandali. Susunod na rin naman agad siya.", Magalang niyang sagot.

"Kausap? Oh baka naman nakikipaglandian pa?"

"Kira!"

Nakaramdam ng inis sa kaloob-looban ang sekretarya ni Raya matapos marinig ang sinabi. Hindi nalang niya sinagot ito at seryosong umayos ng upo. Sinamaan naman ni Drey ng tingin si Kira dahil sa pinagsasabi nito.

"Nakakahiya ka.", Mariin nitong bulong.

"What? I'm just joking.", Deny nito.

"Kapag nagsalita ka pa diyan na hindi ko magugustuhan pakinggan, papauwiin talaga kita.", Nanggagalaiting bulong ni Drey.

Napairap na lamang siya at tinignan ang sekretarya saka inirapan. Napatikhim na lamang ang sekretarya at itinuon ang kaniyang pansin sa tablet na hawak niya.

Naghintay pa sila sandali at bumukas na ang pintuan ng conference hall.

"Good morning sorry for being late.", Malamig na bungad ni Raya sa lahat.

Napatayo ang mga kapwa CEO niya maliban kay Drey na nagulat pati na rin si Kira. Nakaawang ang labi niyang nakatingin sa dalaga.

"Good morning Ms. Diaz. It's okay for being late.", Pagbati rin ng isang katandaang CEO.

Tumango si Raya. Binati pa siya ng iba pang CEO at tango lamang ang kaniyang isinukli.

"You can now seat.", Aniya.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now