CHAPTER 40

186 5 0
                                    

CHAPTER 40.

Third Person's POV.

Nakarating sina Andrew at Francis sa condo ng kaniyang kaibigan na si Lexus. Pinagbuksan agad sila ni Lexus at pinapasok sa loob.

"How's the investigation?", Bungad agad ni Andrew nang makapasok sila sa loob.

Umupo muna si Lexus sa single couch at hinubad ang kaniyang suot na salamin dahil kagagaling pa lang siya na nakaharap kanina sa kaniyang laptop.

"Nag-punta ako kanina sa police station, i asked them about the incident of your fiancee. But they are still investigating the incident. Kaya ako na mismo ang nagpunta sa lugar kung saan na-aksidente ang fiancee mo. Luckily, nong nagpunta ako don kagabi there are 3 cars too na sira-sira din. May isang pulis akong tinanong tungkol doon, sinabi niya na wala raw silang nadatnan na tao sa tatlong sasakyan na yun. Maybe, nawawala?", Mahabang salaysay ni Lexus.

Nagkatinginan sina Andrew at Francis. Iniisip nila na mukhang tama nga ang hinala ni Francis na sinadya talaga iyon. Bukod na rin sa walang tao sa tatlong sasakyan na yun, ganon din ang truck na sumimplang sa kotse ni Raya.

"Oh and also, about the truck too. Wala rin daw tao sa truck na yun. What do you think, dude? Hindi naman tatakbo ng sarili ang sasakyan ano kung walang nagmamaneho.", Dagdag pa ni Lexus.

Natahimik sila at parehas na malalim ang kanilang iniisip. Maya-maya ay napahilot sa sintido si Lexus at hindi naman nila iyon pinansin. Napabuga siya ng hangin at sumandal sa back rest ng kaniyang couch.

"Akala ko ba madali lang ang case nato?", Nakangiwing sambit niya.

"Tama ka Francis.", Mahinang sabi ni Andrew na ikinalingon ng dalawa sa kaniya.

"You're right. Think about it, kung wala silang nadatnan na tao sa loob ng tatlong sasakyan that means they run away before sumimplang ang truck. They trapped Raya's car without noticing it. And before the truck hit her, they quickly goes and run away.", Seryosong sabi ni Andrew.

Napatango sina Lexus. Then Francis's snap his finger kaya napatingin sa kaniya ang dalawa.

"We can also check sa CCTV video."

*************

At gaya nga ng sinabi ni Francis ay nagtungo sila sa lugar kung saan na-aksidente si Raya. May malapit na municipal doon kaya doon sila dumeretso. Magkasabay silang tatlo na pumasok sa municipal at napatingin naman sa kanila ang mga trabahante. Nagulat pa sila nang makita si Andrew dahil ito ang unang beses na tumapak sa municipal ang isang Chua. Hindi pa nakakatapak sa municipal nato si Andrew kahit kailan dahil nasa malalaking building lamang ito pumapasok.

Kinausap ni Andrew ang isang trabahante upang mag-tanong tungkol sa CCTV video sa kanilang lugar.

"Ka-ano-ano ka ng kaibigan ko?", Tanong ni Lexus kay Francis na nakapamulsa.

Napalingon naman sa kaniya ang binata.

"Kaibigan ako ng kambal ng fiancee niya.", Sagot naman niya sa pormal na tono.

Tila ay nagulat naman si Lexus kaya napanganga siya sa kaniyang narinig.

"May kambal ang fiancee ni Andrew?!", Gulat niyang tanong.

Naguluhan naman si Francis kaya dahan-dahan naman itong tumango.

"Uhm....Oo. Bakit?", Kunot-nuong sagot at tanong niya.

Napaayos naman ng tayo si Lexus at nagcross-arms sabay humikab.

"Nagulat lang ako. Hindi kasi nabanggit nitong kaibigan ko na may kambal ang fiancee niya.", Pagod nitong sagot.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now