CHAPTER 34

189 10 2
                                    

CHAPTER 34.

Third Person's POV.

*KINAUMAGAHAN*

Naalimpungatan si Aya sa silaw ng araw na tumatama sa kaniyang magandang mukha. Nagkusot-kusot siya sa kaniyang mga mata at dahan-dahan na nag-mulat. Napangiti siya nang maalalang bibisita pala dito ang kanilang mga magulang. Agad siyang bumangon at nagitla nang makita ang kaniyang kambal na nakahalukipkip sa gilid ng window glass habang nakapamulsa sa hoodie nito.

Napahawak naman siya sa kaniyang dibdib dahil sa gulat.

"Grabe ka naman ate! Ginulat mo 'ko!", Sambit niya habang nakahawak sa kaniyang dibdib.

Tinaasan lamang siya ng kilay nito at umayos ng tayo.

"It's already 8 o'clock in the morning and you're still asleep.", Sabi ng dalaga habang nakasimangot.

Nanlaki naman ang mga mata ni Aya at napatingin sa wall clock. Napabilog ang kaniyang bibig at napahawak sa kaniyang ulo.

"Ang tagal ko pala nagising kahit alas 7 na ako natulog kagabi?!", Gulat niyang sambit.

Napahawak siya sa kaniyang magkabilang pisnge at napasinghap. Naglakad naman palapit si Raya sa kaniya habang nakapamulsa pa rin.

"Tsk. Tsk. Tsk. Ayan, gala pa.", Sabi nito na ikinasimangot ng kaniyang kambal.

"Mag-bihis ka na diyan dahil maya-maya darating na sina Mommy, maaamoy nila iyang laway mo.", Dagdag nito bago nag tungo sa pintuan.

"Eh?! Ako?! Amoy laway?!", Usal ni Aya at inamoy ang kaniyang sarili na hindi napapansin ang pagalis ng kaniyang kambal.

Nang maamoy na niya ang kaniyang sarili ay napakunot nuo siya at napapatango.

"Oo nga noh?", Sangayon niya at umalis sa kaniyang higaan at nagtungo sa banyo.

*************

Nang makababa siya ay nadatnan niyang naglilinis sa sala si Manang Naomi at tinutulungan din siya ng iilang mga tauhan ni Raya. Napangiti si Aya sa kaniyang nakita at masiglang bumaba sa huling palapag.

"Good morning!!!", Masigla niyang pagbati dahilan upang magulat ang lahat dahil sa lakas ng kaniyang boses.

"Naku ma'am! Maha-heart attack ako nito.", Reaksiyon ng katabi ni Hans habang nakahawak sa dibdib nito.

"Ikaw talagang bata ka. Ginulat mo kami!", Sabat din ni Manang Linda habang nakahawak din sa dibdib.

Napanguso ang dalaga at napapakamot sa ulo. Dumating naman ang kaniyang kambal kagagaling lamang sa kusina at nakapamulsa pa rin ito.

"Huwag ka kase manggulat.", Sabi nito.

Napasimangot si Aya sa sinabi nito.

"Eh ginulat mo nga ako kanina eh! Kakagising ko lang.", Nakanguso nitong sagot habang nakasimangot.

Napatawa na lamang sina Manang Linda at nagpatuloy sa paglilinis. Napapailing naman si Raya sa kaniya. Akmang aalis na si Raya nang tanungin siya nito.

"Nga pala ate, bakit nasa bulsa yang mga kamay mo? Kanina ka pa ganiyan.", Seryosong sabi ni Aya.

Natigilan sandali si Hans dahil sa tanong ng dalaga. Nilingon niya ang gawi ni Raya at naalala niya ang nangyari kagabi na ang dahilan kung anong nangyari sa kamay ni Raya.

*FLASHBACK*

Nang makapasok na ang lahat na kalaban sa loob ng teritoryo ni Raya ay agad silang pinaulanan ng putok ng baril ng mga tauhan ni Raya. Puro mga silencer ang kanilang mga baril kahit na rin sa mga kalaban. Agad naman na-alerto ang mga kalaban at nakikipag-putukan rin sa kanila. Nag-hanap din ng matataguan ang mga kalaban at medyo nahirapan sila dahil sa pinalibutan sila nina Hans.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now