CHAPTER 35.
Third Person's POV.
"Ano ba talaga ang pakay niyo dito?", Malamig na tanong ni Hans sa taong nakaupo at nakatali sa upuan.
Ito yung tao kagabi na muntik nang sumaksak sa likod ni Hans at ang dahilan din kung bakit nahiwaan ang palad ni Raya. Kagabi pa nila ito kinakausap at tinatanong tungkol sa pakay nila dito sa territory ni Raya. Ngunit hindi nito sinasabi ang totoo at mapapahaba lamang ang pag-uusap nila dito. Minsan ay nang iinsulto pa ito at kahit ilang beses na itong sinusuntok nina Hans ay ayaw pa rin sabihin. Alam nilang may pakay talaga ito.
"Ilang beses ko bang sabihin sayo na kahit ilang beses pa kayong mag-tanong sa akin, wala talaga kayong mapapala sa akin. Hindi ko sasabihin sa inyo.", Nakangisi nitong sagot.
Dahan-dahan na lumayo si Hans sa taong ito at pinakalma ang sarili at baka mapatay niya pa ito wala silang makukuhang information. Nakangisi lamang ito sa kanila at wala talagang balak sabihin ang totoo. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon sa Raya na naka-office attire at halatang kagagaling lamang nito sa opisina niya. Kakauwi niya lang. Agad nagsiyukuan ang mga bantay upang magbigay galang.
Lumapit siya sa taong nakaupo at binigyan naman siya ni Hans ng upuan kaya umupo agad siya. Inekis niya ang kaniyang mga paa at braso saka sumandal sa back rest ng upuan.
"Aahhhh....Ikaw pala yan Aya.", Nakangising sambit nito.
Napataas naman ng kilay ang dalaga sa sinabi nito. Magsasalita sana si Hans nang pigilan siya ni Raya gamit sa pag-taas ng kamay niya. Itinikom ni Hans ang kaniyang bibig at tumayo ng maayos sa tabi ni Raya.
"Anong ipinunta niyo dito kagabi?", Malamig na tanong ng dalaga dahilan upang makaramdam ng paninindig ang taong ito.
Kakaiba ang kaniyang nararamdaman niya, pakiramdam niya ay nasa impyerno siya nang marinig ang napakaseryoso at malamig na boses ng dalaga. Napalunok pa siya ng sariling laway bago nagsalita.
"Wala akong sasabihin sa inyo tungkol sa pakay namin.", Matigas nitong sagot.
Napabaling naman si Hans sa dalaga.
"Kagabi pa yan ganiyan Ma'am. Ayaw niya talagang sabihin.", Mahinang sambit niya.
Napabaling ang mga mata ni Raya sa tinatayuan ni Hans bago bumaling ulit sa kaharap niya. Nilagay ni Raya ang kaniyang palad sa ere at agad naman lumapit sa kaniya ang isa niyang tauhan na may bitbit na brown envelope. Magalang niyang binigay sa kaniyang amo ang brown envelope na agad naman tinanggap ng dalaga. Ipinatong niya sa kaniyang hita ang brown envelope at inekis ang kaniyang mga braso. Seryoso niya muling hinarap ang taong ito.
"Siguro naman tatalab na ito sayo at sasabihin mo na sa akin ang pakay niyo.", Seryoso niyang sambit.
Napakunot-nuo naman ang kaniyang kaharap at nakakaramdam ng kaba. Binuklat na niya ang brown envelope at may inilabas doon. Isang litrato. Tinignan niya muna sandali ang litrato at pinakita agad sa kaniyang kaharap. Nanlaki ang mga mata nito at nagsimula nang manginig.
"Is this your family, right?"
Hindi siya nakapagsalita sa kaniyang nakikita ngayon. Hindi niya alam kung papano nalaman ng dalaga nato ang kaniyang pamilya. Saglit pa bago siya nanginginig na nagsalita.
"P-pa-pano m-mo n-nala-m-man?", Nanginginig niyang tanong sa takot na baka madamay ang kaniyang pamilya.
Ngumiti ng peke ang dalaga at ibinalik sa brown envelope ang litrato.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RandomThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.