CHAPTER 22

223 12 1
                                    

CHAPTER 22.

Aya's POV.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng condo ni Mika, tumingin-tingin ako sa paligid baka may makakilala sa akin. Nakasuot ako ng black hoodie at nakamask habang may cap na suot sa ulo. Tumakas lang ako at hindi ito alam ng kahit sino doon sa mansion ni ate. Paggising ko ay wala na si ate sa mansion at nasa trabaho na siya panigurado. Lumapit ako sa pintuan at dahan-dahan na itinaas ang aking kamay at dahan-dahan na kumatok.

*tok tok tok*

Lumayo ako ng kunti at tinanggal ang aking mask. Narinig ko ang pag-pihit ng doorknob sa loob kaya umayos ako ng tayo. Nang bumukas ito ay bumungad sa akin ang si Mika na kagagaling lang ng tulog.

"Bakit?", tanong niya habang nagkusot-kusot ng mata at hindi yata ako napansin.

"Mika.", mahinang tawag ko sa kaniya dahilan upang matigilan siya sa pagkusot-kusot.

Mabilis siyang napamulat ng mata at napatitig sa akin habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.

"Aya? Anong ginagawa mo dito?", gulat niyang tanong at tumingin-tingin sa paligid.

Hinila niya ako papasok sa kaniyang condi at sinarado ang pintuan bago ako inakay papunta sa sofa at pinaupo ako.

"Bakit ka nandito? Pinayagan ka ba ng kapatid mo? Alam niya ba na lumabas ka?", sunod-sunod niyang tanong.

Tinakpan ko ang kaniyang bibig dahil sa lakas ng bunganga nito.

"Huwag kang maingay baka may makakarinig sayo at baka may kilala sa akin dito sa condominium isusumbong pa nila ako kay ate.", ani ko.

Inalis niya ang kamay kong nakatakip sa kaniyang bibig.

"Kumain ka na ba?", pagiiba niya sa usapan.

Hindi pa ako nakakasagot nang hinila niya ako at dinala sa kusina. Pinaupo niya ako sa stool habang siya naman ay nagtungo sa refrigerator at may kinuha doon.

"Nagsabi ka sana sa ate mo na pupunta ka dito. Baka magalit sayo ang ate mo na tumakas ka.", nakapamewang niyang sambit nang mailapag ang Tupperware na may kimchi sa loob.

Umiling ako at ngumiti ng pilit.

"Huwag kang mag-alala, haharap naman ako sa kaniya. Tatanggapin ko na magalit si ate sa akin dahil sa pagtakas ko na walang pahintulot.", ani ko at kumuha ng kimchi.

Umupo siya sa kabilang stool at ngayon ay magkaharap na kami.

"Kumusta ka na?", malumanay niyang tanong.

Ngumiti ako at tumingin sa kaniya.

"Ayos naman ako.", nakangiti kong tanong.

Nakatitig lamang siya sa akin na para bang binabasa yung emotions ko. Napabuntong hininga siya at napayuko. Pinaglaruan niya ang kaniyang mga daliri, binalot naman kami ng katahimikan. Pinagpatuloy ko lamang ang pagkain ng kimchi habang hinihintay siyang magsalita.

"Wala ka bang balak na maghiganti?", pagbasag niya sa katahimikan.

Napatigil ako sa pagnguya at tumitig sa kaniya habang may pagtatanong sa aking mga mata.

"Sa kanila.", dugtong niya.

Napaiwas ako ng tingin nang makuha ang tinutukoy niya. Uminom ako ng tubig at nilayo ng kunti ang tupperware. Ngumiti ako ng mapait at dahan-dahan na umiling.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now