CHAPTER 47

141 5 0
                                    

CHAPTER 47.

Third Person's POV.

Nagsimula nang magkagulo ang mga guards sa labas nang marinig nila ang sunod-sunod na putok ng baril na nagmula sa loob ng mansiyon. Agad silang pumasok sa loob upang puntahan kung saan nanggaling ang putok na iyon. Habang si Hans naman ay sinundan si Raya dahil mabilis itong nawala sa kaniyang paningin nang muntik na silang matamaan ng bala kanina. Isang tao lamang ang kailangan nilang madakip at kailangan nilang libutin ang buong mansiyon upang mahanap ito.

At ang mas ikinakaba nila ay si....Aya.

"Everyone!! Let's head to the floor where Miss Aya is!! Protect her!!", Utos ni Claire.

Mabilis na nagsiakyatan ang mga guards, yung iba ay sa likod dumaan dahil may hagdan din naman doon patungong 2nd floor, 3rd floor at 4th floor. Yung iba ay hinanap si Kira na ngayon ay kabarilan si Raya.

*BANG*

Mabilis na napadapa si Raya at gumanti rin.

*BANG*

"AHH!!", Tili ni Kira nang muntik na naman siyang matamaan.

Mas nainis siya dahil mabilis mahila ni Raya ang gantilyo. Pangalawang beses na siyang muntik nang matamaan. Gusto niyang matamaan si Raya para mahirapan itong sundan siya. Si Aya ang target niya ngayon kaya kailangan muna niyang patumbahin ang mga sagabal sa kaniyang dinadaanan.

At dahil si Raya ay isang matapang na Diaz ay hindi ito magpapatalo. Hindi niya hahayaan ang kaniyang sarili na matamaan ng bala, kailangan niya ang kaniyang lakas upang ma-protektahan ang kaniyang kambal. Magaling si Raya sa ganitong bagay kaya hindi na nakapagtataka kung bakit mabilis siyang makaiwas sa bala at makahila ng gantilyo.

*MEANWHILE*

Nasa loob lamang ng kwarto sina Drey at Aya, may maliit na library room si Aya sa kaniyang kwarto at nandito sila ngayon ni Drey. Nagbabasa si Aya ng kwento na nasa libro habang si Drey naman ay nakapikit habang nakikinig sa kaniya. May ngiting nakaguhit rin sa kaniyang labi at pinakinggan ang mala-anghel na boses ng dalaga.

Wala silang kaalam-alam sa nangyayari ngayon dahil hindi nila maririnig ang mga malalakas na putok ng baril. Soundproof nga ang kwartong ito diba? Lalo na at nasa loob sila ng library room. Habang si Peter naman ay nakasimangot na nakaupo sa sofa habang nagbabantay sa kanilang dalawa. Inutusan kasi siya ni Raya na samahan ang dalawa baka kung anong gagawin ng mga ito.

Hindi naman makatanggi si Peter dahil boss na niya mismo ang nag-utos.

"Haaayyyy naku....", Bulong niyang usal.

Bukas naman ang pintuan ng library room kaya kitang-kita niya kung anong ginagawa ng dalawa. Hindi siya sanay na makinig ng kwento galing sa libro kaya ganon nalang ang kaniyang nararamdaman.BORING. Boring ang nararamdaman niya ngayon. Gustong-gusto niya na manood ng bakbakan sa Netflix pero kailangan niya lang maghintay ng utos mula kay Aya.

"Bakit kailangan pang magbasa ng libro kung pwede naman manood nalang ng Netflix.", Nakasimangot niyang bulong.

(Peter! Peter!)

Napaayos siya ng upo nang marinig niya ang boses ni Hans mula sa kaniyang earpiece. Tumayo siya at lumayo ng kunti kila Aya.

"Yes Mr. Smith! Come in!"

(No time for joking Peter. Nakapasok si Ms. Malave dito sa mansiyon.)

Nanlaki ang mga mata ni Peter matapos marinig ang sinabi mi Hans.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now