EPILOGUE

212 11 0
                                    

EPILOGUE.

Third Person's POV.

"Ate, let's go! I can't wait to climb up there!", Atat na atat na sambit ni Aya habang nakaturo sa tuktok ng bundok.

Napatawa na lamang si Raya sa kakulitan nito. Kahit na may anak na ito at may asawa ay hindi pa rin nito maiwasan na maging isip-bata sa harapan ng kambal nito.

Nasgimula na silang mag-hiking, kasama nila syempre ang kanilang mga kaibigan. At naiwan lamang ang kanilang mga anak sa mga Lola at Lolo. Naghanda talaga sila ng mabuti at matagal na rin nila itong pinaplano.

Natupad na rin ang kahilingan ni Aya na umakyat patungo sa tuktok ng bundok at tanawin ang napakalaking bayan. May kasama din silang TourGuide. Matagal na niya itong hinihiling na umakyat kasama ang kaniyang kambal at mga kaibigan.

"Before the sunset dapat nakarating na tayo doon.", Sambit ni Hans.

Inalalayan nila ang mga babae dahil may mga daan din na mahirap daanan. Nauna ang Tourguide kasunod ay si Francis at kasunod niya si Hendricks at sunod naman ni Hendricks ang mga babae. Nasa gitna ng mga babae si Drey at Kyle habang sina Hans at Lexus naman ang nasa huli.

Nagtatawanan at nagaasaran din sila habang umaakyat , syempre hindi uso sa kanila ang tahimik. Dapat din kasi ay mag-uusap din at magtatawanan. Yun ang tamang bonding nila.

Inabot sila ng ilang oras bago nakarating sa tuktok ng bundok, malapad na dito sa tuktok ng bundok. Masayang nagtungo si Aya sa lugar kung saan makikita ang napakalaking bayan.

"Kyaaaahhhh!!!! We made it!!!", Masayang sigaw ng mga babae maliban kay Raya na nakangiti lamang habang nakatingin sa bayan.

"Wow!! Ang laki pala ng city noh.", Namamangha na sambit ni Mika.

"Syempre! City nga diba.", Sarkastikong sagot naman ni Mika.

Ang mga lalake naman ay nagsimula nang magtayo ng tent sa gitna. Masarap sa pakiramdam ang ihip ng hangin at hindi masyadong mainit dahil natatakpan ng ulap ang araw.

"Mamayang gabi, matatakpan ng fog itong tuktok.", Paalal ng TourGuide.

Nakaramdam naman ng pananabik ang tatlo dahil hindi pa nila nasusubukan na makasalubong ng fog. Tinulungan nila ang mga lalake na ayusin ang mga gamit sa loob ng tent. Pagkatapos ay naghanap sila ng mga kahoy para mamayang gabi.

Sumapit ang hapon at nakaupo sila ngayon paharap sa papalubog na araw at pinagmamasdan ito. Nakatabi ang mga babae sa kani-kanilang asawa syempre.

"Mas maganda pala panoorin ang papalubog na araw dito sa tuktok ng bundok.", Mahinang sabi ni Aya.

Napatingin sa kaniya ang kaniyang kambal at napangiti at muling tumingin sa araw habang nakasandal sa asawa nito.

"Yes. Relaxing.", Sagot niya habang nakangiti.

"Waahhh.....Sana maabot ko ang araw. Sana may pakpak ako sana makakalipad ako.", Nakangusong pangangarap na sambit ni Mika.

Natawa sila sa sinabi nito.

"Ano? Lilipad ka sa outerspace?", Tanong ni Shayne at humagalpak ng tawa na sinabayan naman ng iba.

"Nakakainis ka talaga Shayne!", Nakasimangot na sambit ni Mika.

Sumapit ang gabi at may kukunting fog na sa paligid at may mga alitaptap na lumilipad.

"Wooww!!! Ang ganda!!!", Namamangha na bulalas ni Aya.

"Waahhhh!!", Masayang tili ni Shayne at sinalubong ang fog pati ang mga alitaptap.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now