CHAPTER 36.
Third Person's POV.
Lumipas ang dalawang araw, nabalitaan din ni Andrew ang nangyari. At dahil doon ay agad niyang pinuntahan sa mansiyon ang fiancee niya, nang makarating siya doon ay agad niyang hinanap ang kaniyang fiancee.
"Nasan si Raya?", Tanong niya agad sa isang tauhan ni Raya na nagbabantay sa main door.
"Nasa likod po sir.", Magalang na sagot nito.
"Salamat.", Sabi niya bago nilagpasan ang bantay.
Dire-diretso lamang siya hanggang sa makarating sa likod. Bumungad sa kaniya ang swimming pool at nilibot niya ang kaniyang paningin. Dumapo ito sa dalagang nakaupo lamang sa ilalim ng puno sa di kalayuan ng swimming pool.
Patakbo siyang lumapit dito, hindi na niya pinansin ang nagusot niyang polo at necktie basta makita lamang niya ang fiancee nito na maayos ang kalagayan. Napansin naman agad ni Raya na parang may taong papalapit kaya agad siyang nag-angat ng tingin.
Napaawang ang kaniyang labi nang masilayan si Andrew. Sinarado niya ang librong binabasa niya at nilagay sa ibabaw ng glass table at tumayo.
Nang makalapit ang binata sa kaniya ay agad siya nitong niyakap ng mahigpit kahit hindi pa siya nakakapagsalita.
"Y-you're fine.", Hinihingal nitong sambit habang nakayakap sa dalaga.
"Uhhh.... I'm fine.", Sagot naman ng dalaga.
Ilang minuto pa na ganon ang kanilang posisyon hanggang sa unti-unti nang bumitaw si Andrew. Hinawakan niya sa magkabilang pisnge ang dalaga at sinuri siya.
"Hindi ka ba nasaktan?", Bakas pa rin sa tono niya ang nag-aalala.
Napangiwi si Raya at itinaas ang dalawa niyang kamay.
"Uhm....Hindi naman.", Naguguluhan niyang sagot.
Napabuga ng hangin ang binata at niyakap muli ang dalaga.
"Nabalitaan ko ang nangyari dito nong nakaraang araw. Glad that you are fine.", Sambit niya.
Napayakap na lamang ang dalaga sa kaniya pabalik at napabuga rin ng hangin.
"Yung kambal mo? Ayos lang din ba?", Tanong niya.
"She's fine. Hindi naman siya nasaktan at hindi niya rin alam ang nangyari nong gabing iyon.", Mahinang sagot niya.
Napabitaw na sila sa pagkakayakap. Hinawakan ni Andrew ang magkabila niyang pisnge at mabilis na sinakop ang labi ng dalaga na agad naman nitong tinugon.
Tahimik naman na naglalakad si Hans patungong likod ng mansiyon upang puntahan ang kaniyang amo. Ngunit nang makalabas palang siya ng pintuan ay natigilan na siya agad nang makitang magkahilakan sila. Natikom niya ang kaniyang labi at hindi maintindihan ang kaniyang nararamdaman ngayon. Napaiwas siya ng tingin at dahan-dahan na tumalikod saka bumalik sa loob na may mabigat na nararamdaman.
Ramdam niya ang kirot sa kaliwang dibdib niya kaya napahawak siya dito at pinukpok ng mahina. Nang makalayo na siya doon ay tumigil siya sa kaniyang kwarto na nasa first floor lamang, pumasok siya at pinukpok ang kaniyang dibdib.
"Ano ba Hans? Boss mo siya, bodyguard ka lang. Kaya umayos ka. Tigilan mo itong nararamdaman mo.", Kausap niya sa kaniyang sarili.
Napaupo siya sa kaniyang higaan at ipinatong ang magkabilang siko sa magkabilang tuhod niya rin. Pinagkislop niya ang kaniyang mga daliri at nilagay sa baba niya. Napapikit siya at pinakalma ang sarili. Ngunit sa hindi inaasahan ay may likidong tumulo mula sa kaniyang kanang mata kaya napamulat agad siya nang naramdaman niya ang agos na yun.
YOU ARE READING
The Twin's Revenge (COMPLETED)
RastgeleThey betrayed the angel. The devil will get the revenge.