CHAPTER 23

205 11 0
                                    

CHAPTER 23.

Raya's POV.

Andito na ako sa building nakabalik agad ako dahil ayokong tumagal doon dahil may tatapusin pa akong trabaho dito sa aking opisina. Pero sinigurado kong naka-on lahat ng cctv cameras doon sa mansion ko. Hindi kasi naka-on kagabi dahil nakalimutan kong ipabukas sa kanila at pinalinis ko rin yung camera kahapon. Pakiramdam ko talaga may tinatago itong kapatid ko eh. Kapag talaga malaman ko kung anong tinatago nito malilintikan talaga to sa akin.

"Good morning po ma'am.", magalang ma pagbati sa akin ng security guard na agad ko naman na tinanguan.

Pumasok na ako sa aking private elevator at pinindot ang button. Naghintay lang ako ng ilang segundo bago bumukas ito kaya lumabas na ako. Taas nuo lamang akong naglalakad patungo sa aking opisina. Mula dito sa aking nilalakaran ay may taong nakaupo sa sahig habang nakasandal sa dingding na tila ay parang may hinihintay. Nakayuko ito kaya hindi ko maaninag ang kaniyang mukha. Naglakad ako palapit sa kaniya at huminto sa kaniyang harapan.

Nilagay ko sa aking likuran ang aking mga kamay habang nakatingin sa kaniya. Nang maramdaman nito ang aking prisensiya ay dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. At doon ko naaninag ang mukha ng taong kinaiinisan ko. Napataas ang aking isang kilay.

At anong ginagawa ng lalakeng ito dito sa aking building?

Mabilis siyang tumayo at nagpagpag ng kaniyang damit. He is wearing blue poli long sleeve and slack. Formal na formal ang kaniyang itsura ngayon. Medyo magulo nga lang ang buhok.

"Masyado ka naman nagagwapuhan sa akin.", nakangisi nitong sambit kaya mas lalong napataas ang aking kilay.

Inekis ko ang aking braso at pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Why are you here?", taas kilay kong tanong at hindi pinansin ang kaniyang sinabi.

Napabuntong hininga siya at umayos ng tayo.

"Your parents called me last night.", aniya.

"And?", taas kilay kong sambit.

"Uuwi sila tomorrow and they want the both of us to pick them up in airport tomorrow."

Seriously mom? Dad? Bakit hindi niyo dineretso sa akin na uuwi kayo tomorrow? At dito pa talaga sinabi niyo sa g*gong to at sa kaniya pa kayo magpapasunod? What the! Ano naman ako?

Ano na naman ang pinaplano nina Mom? Haaayyyy...Buhay nga naman. Bakit ba ayaw nilang sabihin sa buong mundo na magkambal kami ni Aya? May pa trip² pa kasi.

"Uhm...Don't worry, tayong dalawa lang naman ang magkasama na susundo sa kanila tomorrow. And your mom wants to see you. She miss you so much.", dagdag pa niya.

Ganern? Pano naman ako mom? Hindi mo ba ako namiss? Huhuhu...Aaiisshh!! Ano ba Raya!

I shook my head dahil sa aking mga iniisip. Tumikhim ako at tumango.

"Okay. What time daw?", seryoso kong tanong.

"Well, 6:00 pm para deretso na dinner daw.", sagot niya at ngumiti.

Tsk! Ngiting ang dahilan kung bakit nahulog ang kapatid ko sa kaniya. Pero manloloko naman amp*ta.

Inirapan ko lamang siya at nilagpasan. Pinihit ko na ang doorknob at hinarap muna siya saka tinaasan ng kilay.

"Umalis ka na.", ani ko saka sinarado pabagsak ang pintuan narinig ko pa ang hagikhik nito.

Tsk! G*go!

Hinarap ko ang aking sekretarya na abala sa kaniyang ginagawa.

"Kanina pa ba yung lalakeng yun nakaupo?", tanong ko agad nang makalapit sa kaniya.

The Twin's Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now