Fortieth Fall
-Father-
Third Person's POV
"Chef Cailha, needed po kayo sa hall. May isang customer po kasing gustong maka-usap ang Chef na gumawa ng menu natin today." It was one sunny Thursday when CJ heard that from her colleague.
Lintek, mapapasubo ata ako today sa customer na'to
Sa isip-isip ni CJ.
Tanging pag-tango lamang ang naging sagot niya. Ilang beses niyang inisip kung aling menu ba ang magkaka-problema or kung may kulang ba sa mga sangkap na ginamit nila today. Pero kahit anong isip niya hindi niya pa rin matukoy kung alin ba sa mga pagkain ang magkakaproblema.
Sa ilang taon nilang nags-serve sa restaurant na'to, hindi pa sila nakaka-tanggap ng kahit anong reklamo ukol sa mga menu's nila. Ngayon pa lamang, kaya ganoon na lang ang kaba niya habang tinatahak ang table number na sinabi ng kasamahan niya.
Pero ganoon na lamang ang ka-gustohan niyang huminto sa kalagitnaan ng hall nang makita kung sino ang mga taong naka-upo sa table na 'yun.
Tipong babalik na sana siya sa kusina nang magtagpo ang tingin nila ni Enzo.
Wala siyang nagawa kung hindi ay magpatuloy. Gusto niyang pagtaasan ng kilay ang lalaki. Masiyado pa'ng presko sa isipan niya ang nangyari patungkol sa kaibigan nilang ito at sa kaibigan nilang si Luna.
At mas gusto niyang magtaka kung bakit kasama pa nito ang babaeng hindi niya akalaing makikita niya ngayong araw.
"CJ."
Enzo's voice was formal but CJ can hear a slight discomfort from his tone.
Pwes, dapat lang. Hindi kami friends in the first place. Saad ni CJ sa isip niya.
"It's Chef Cailha, Sir. I heard you call for me? What can I do for you, sir? Is there something wrong with the dish?" Sagot ni CJ.
Hindi lang naman kasi ang kapatid niyang si Zoe ang maalam sa kaplastikan, gamay na gamay din ni CJ ito. Kaya alam niyang kayang-kaya niyang i-handle ang mga taong ito.
"I personally called for you, because we want to talk to you." Seryosong saad ni Enzo.
Pinagtaasan siya ng kilay ni CJ. Enzo knew that it wouldn't be easy for him to talk with CJ regarding her friend, but he doesn't know how to reach out with the others too. He knew six years ago that the moment he detached himself with Luna, he would be also detaching himself with the people who threatened him as friends for once.
Takang nilingon ni CJ ang babaeng kasama ni Enzo.
"Di ko alam na interesado pala sa buhay ko ang kaibigan mo'ng to, Enzo." Sarkastikong saad ni CJ, "Kailan ka nagka-interest na kausapin ako, Lassie?" Tanong niya pa sa babae.
Yes, it was Lassie. The woman didn't even want to be here but Enzo tagged her along. Wala naman siyang magawa dahil nakita niya kung papaano ka-desperado ang matalik na kaibigan na maka-usap si Luna. Speaking of Luna, she still can't recover from the fact that the Venice she once knew is the Evil Moon that her mafia once scared of.
Lassie glared at her na siyang kina-ngiti naman ni CJ. Enzo sighed as he witnessed that. He forgot about the unending war of these two ever since highschool.
"I just want to talk with you CJ about .. Luna." pagkukuha ni Enzo sa atensyon nito.
Ang pangalang iyun ang nagpakunot sa noo ni CJ. Agad niyang ibinaling ang tingin sa lalaki.
BINABASA MO ANG
When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]
Teen FictionNOTE: Read first the Book 1 entitled: When Venice Falls ********* Venice, once a perfect student, vanished under mysterious circumstances, leaving her loved ones in despair. When darkness envelops the world, a new force rises from the shadows. This...
![When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]](https://img.wattpad.com/cover/174981601-64-k701300.jpg)