Twenty Fourth Fall

42 5 0
                                    

Twenty Fourth Fall

-Mom-


Third Person's POV


Eating with friends will be the noisiest time whenever they are complete. Miminsan din naman silang makumpleto kaya kapag gano'n parang isang buong barangay ang ingay na nagagawa nila. Lalo na't hindi nagkakaubusan nang pag-aawayan sina CJ at Tyron.

Pero ang nakasanayang ingay ay napalitan nang nakakabinging katahimikan. Tahimik lamang silang kumakain. Hindi naman mawawala ang mga lihim na tinginan ng magkakaibigan, na para bang nalilito kung ano ang pag-uusapan sa kabuuan ng hapunan.

Nakapaikot silang lahat sa isang parihabang lamesa. Magkatabi naman ang mag-inang Jantiara at Hemera.

Nang dumating ang inaasahang bisita, halos magulat silang lahat. Kahit nag-aasam man na ito ay sisipot sa nasabing dinner, possible pa rin kasing hindi ito pumunta.

Hindi naman nila lubos na akalain na isasama pa nito ang anak. Kaya imbes na paglaruin na muna ang mga bata sa playroom ni Eris, hindi na lamang nila ito pinagpatuloy dahil hindi rin naman magawang ayain ng mga bata pati ng matatanda si Hemera na maglaro.

Tumikhim si Erin at nakuha no'n ang atenyson ng lahat.

Ngiti-ngiting tinignan nito ang kaharap na si Hemera. Napansin nila kanina, saka pa ito nagsimulang kumain nang nakakailang subo na ang ina.

"Do you like the soup, Hemera?" Nakangiting tanong ni Erin. Nakaabang naman ang mga kaibigan nila sa magiging sagot ng bata.

Pati si Jantiara ay napalingon sa anak. Natigil naman sa kaka-kain ang batang Hemera at napasandal sa kina-uupuan.

Hindi mawari nina Erin kung bakit nakakapanlamig talaga kung makatitig ang batang ito. Na para bang hindi magawang maging masaya ng itsura. Hemera was born with a resting-bitch-and-poker-face. Kung hindi mo kilala ay talagang maiinis ka at manlalamig sa mga titig niya. Tipong hinahalukay ng mga mata nito ang kaluluwa mo.

They heard the child sigh. Hemera look at everyone and stopped at her mom.

"Is it like that here, mama? They talk while eating?" Kahit inosente ang pagkakatanong na iyun ni Hemera, hindi maipagkakaila ng magka-kaibigan na makaramdam sila nang pagpapahiya sa naging tanong nito.

Inilibot naman ni Jantiara ang paningin sa mga dating kaibigan bago sinagot ang tanong ng anak, "Filipinos are used to talk about everything that happens in each others day, through dinner time." Nilingon niya naman si Erin, "In Russia, we used to eat in silence." Saad niya na lamang dito.

Hindi niya kasi alam kung papaano ipapaliwanag ang tungkol sa kinagisnan nilang gawain sa Russia. Lalo na't sa pamilyang Crest.

Hindi naman nakaligtaan ni Jantiara na makita ang mariing titig sa kaniya ng kapatid ni Erin, na si Eros Mozart. Simula nang makarating sila ay hindi na inalis ni Eros ang paningin sa kaniya. Malaki na ito at noong una ay hindi niya pa namukhaan. Pero nang tawagin siya nitong "Ate Venice?" ay doon niya nalaman kung sino ito.

Palihim namang sinabihan ni Erin ang kapatid tungkol sa nangyari kay Jantiara kaya hindi ito nagkaroon ng pagkakataon na makapagtanong kay Jantiara.

Napapahiyang napatango na lamang si Erin at hindi na nagawang magtanong pa. Naging tahimik ang kabuuan ng dinner nila na siyang hindi akalain ni CJ na makakaya niyang tagalan.

Nang matapos ay inaya ni Erin ang lahat sa sala at doon na lamang magkwentuhan.

"Mamaya pa ba uwi ni Mommy, hon?" Tanong ni Duke kay Erin nang maka-upo silang lahat sa sala.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon