Seventeenth Fall
- Tomb-
Third Person's POVNaging tahimik ang mga bawat sandali matapos masaksihan ng lahat ang karumal-dumal na ginawa ni Jantiara kay Viper.
Walang nagtangkang pigilan ito nang tuluyang lumabas sa spunishment room at bumalik sa loob ng mansyon.
Nakasunod sa kaniya ang kapatid na si Jovril, Jaguar, Emma at ang kambal na si Orman at Osha.
Kung kanina ay galit na galit siya, ngayon ay namumuyos siya sa galit dahil sa katangahang ginawa ni Claw. Hindi niya akalaing mapupuryada ang lahat ng plano niya dahil sa nawawala ang anak niya. Everything was planned not until her younger brother arrived without the Senyor and her daughter is missing!
Sa dami ng iniisip ay napa-upo na lamang siya sa magarang couch sa may sala ng mansyon. Hinilot niya ang sentido dahil sa pagigin problemado kung papaano ipapaalam sa pamilya ang pagkawala ng anak. Dagdagan pa nang pangyayari sa Organisasyon. She will not allow herself to fail on this.
Ilang taon niyang binuo ang sarili at inihanda ito para sa planong ito. She can't manage to fail this one, especially when the eyes of the whole Russian mafia chamber are on them.
Hindi naman magawang lumapit nina Jaguar nang makita ang pagiging problemado nito.
"Ate, can't you just wash your hands first? Napupuno ka na ng dugo. Pati ang couch ay nadudumihan mo na."
Everyone except Jantiara, looked at her. Hindi naman makapaniwala si Jaguar na sa kabila nang nakita nilang iyun at mga problemang kinakaharap ng pamilya nila ay mas iisipin pa nito ang kahihitnatnan ng couch nila?
Iba rin talaga utak ng pamilyang ito. Isip-isip niya.
"At least we had the location and number of Mr. Viktroune, ate. It's a step." Saad ni Jovril nang makitang napahilamos sa mukha ang kapatid at tumayo.
Malamig siyang tinignan nito bago ibinaling sa hawak niyang cellphone ang paningin. Jantiara sighed. She must clear her mind first. Hindi siya dapat napapangunahan ng emosyon. She looked at the twin, Osha and Orman.
"Give it to them Jovril." Utos niya sa kapatid. Kaagad naman na ibinigay ni Jovril ang cellphone sa kambal.
"What do you want us to do?" Si Osha na ang nagtanong. Hindi naman magawa nitong magbiro o ngitian man si Jantiara dahil alam niyang hindi maganda ang biruin siya ngayon.
"Search their locations and I want to know everything about their plan. Code 8."
Napalingon si Orman sa kakambal. Simula pa lang kasi nang pagbuo ng samahan nila sa underground society, isang beses lang nila nagamit ang Code 8.
Hindi alam ni Osha kung matatawa ba sa reaksyon ng kakambal o makaramdam ng kaba dahil alam niyang hindi rin basta-basta ang Clan na papasukin nila. Yes they've done this one time, but that was a mere one night businessman tycoon party infiltration! This time, Jantiara wants them to enter and spy on that Viktroune Clan.
Nang maramdaman ni Jantiara ang pag-alinlangan ng dalawa ay nangunot ang noo niya.
"What was the Code 1 again?" Tanong niya sa dalawa. Pinaalala sa mga ito kung ano ang pinagkaloob ng code na iyun na siyang naging dahilan para mabuo ang DOOM union.
Osha sighed, "Protect the Evil Moon."
Hearing what she wanted, she raised an eyebrow at Osha.
Sabay na tumango ang kambal.
![](https://img.wattpad.com/cover/174981601-288-k701300.jpg)
BINABASA MO ANG
When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]
Ficção AdolescenteNOTE: Read first the Book 1 entitled: When Venice Falls ********* Venice, once a perfect student, vanished under mysterious circumstances, leaving her loved ones in despair. When darkness envelops the world, a new force rises from the shadows. This...