Third Fall

84 10 0
                                    


Third Fall

-Karma-

Chelsea's POV

                That conversation with kuya Tyler made me out of my usual self for the next few days. Hindi rin naman din na nangulit sina CJ sa akin tungkol sa pagpunta sa condo niya. It's March, busy ako dahil graduating ako and I know, busy din siya sa trabaho niya dahil halos punuan ang hotel na pinagtatrabahuan niya ngayon. CJ pursuing the profession of being a chef, is the best thing that she did.

Nakita niya ang sarili niya doon. She's now base on her Uncle's Hotel as the head Chef. Si Zoe naman ay for sure busy iyun sa business na ginagawa niya. Also Erin, kali-kaliwa ang mga magazine company na kumukuha sa kaniya ngayon.

Everyone's busy. I am busy. Yet, still, naisisingit ko pa rin sa isipan ang mga sinabi ni kuya Tyler. That thing about Enzo. Hindi ko naman nagawang tanungin si kuya Tyron tungkol sa kaibigan dahil isa pa iyung hindi nagsti-stay sa bahay. Busy sa bar na tinayo niya. Kaya mag-isa kong iniisip kung ano ba ang gagawin at kung ano ba dapat ang magiging ekspresyon ko kapag makitang muli ang lalaking iyun?

"Mii."

Mabuti at dumating na rin ang nobyo ko at nawala sa isipan mga katananungang iyun.

I stood and kiss him. He sat beside me. Kanina pa ako dito sa lounge area ng studio nila. Studio Sneez ang tawag sa studio na tinayo nila ng isang kaibigan niya sa states. Siya ang naghahandle sa branch nila dito sa pilipinas.

"Sorry natagalan kami. Maraming shots kasi ang kailangang makuha sa bawat modelo. Kumain ka na?"

"Hindi pa." Nagi-guilty kong saad. Ayaw pa naman niyang nalilipasan ako ng gutom.

His brows furrowed. "Kate."

I smile. He called me on my second name and he's serious when he do that.

"Marco, hindi pa naman kasi ako gutom at saka, I want to eat with you." Panggo-goyo ko. Sana gumana. Nakalimutan ko kasi talagang kumain kanina! Sa sobra naming busy sa pagpapa-print nang hard-copy ng thesis namin ay nakalimutan kong kailangan ko pa palang kumain.

He pinched my nose.

"Tsk. Niloloko mo na naman ako eh."

Wala akong nagawa kung hindi ay matawa.

After a long time of discussing my reason, he brought me to the nearest restaurant. Malapit ito sa Studio Sneez, siguro ay madalas siya dito dahil sanay siya sa pasikot-sikot sa loob ng restaurant.

After a heavy meal. We decided na umuwi na dahil may pasok pa ako kinabukasan at may isho-shoot pa silang kasal kinabukasan.

We are outside of the restaurant when I saw a familiar face na papasok sa restaurant. Lalagpasan na sana niya ako nang hindi ko napigilang tawagin ang pangalan niya.

"Amanda!"

Natigilan siya at ng isa niyang kasama. Ang babaeng kasama niya ang unang tumingin sa akin. Is she Amanda? Bakit siya ang lumingon? Tsk.

Amanda gently looked at me at taliwas sa inaasahan ko ang reaksyon niya. Of course, kukunot ang noo niya at hindi ako makikilala.

"Sino yan, Mii?" Tanong ni Marco sa may gilid ko. Hindi ko siya pinansin at naglakad na patungo kina Amanda. Ramdam ko namang sumunod sa akin si Marco.

Nagtatanong pa rin ang mukha ni Amanda. I smiled at her. How can this lady forget about me? Isa lang naman ako sa naging kliyente niya.

"Sino siya, Attorney?" Mahinang tanong nang kasama niya sa kaniya.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon