Twelfth Fall

43 4 0
                                    




Twelfth Fall

-Claw-

Third Person's POV

Sa loob ng isang silid ng isang abandonadong pier, nakaupo at pawang nakatali ang mga kamay nina Marco, Zero at Triden Perez.

Umaalingaw-ngaw ang mumunting hikbi ng batang si Zero. Natunghayan man nilang lumaking tahimik si Zero at malayo sa maingay at madaldal na postura ng ina, kaya nakakabigla ang kakitaan siya ng takot sa mga sandaling ito.

"He's still a child inside." Sa isip-isip ni Marco habang nakatitig siya rito. Gusto man niyang lapitan ito pero hindi niya magawa dahil nasa magkabilang sulok sila ng silid. Malayo sa isa't-isa. Kahit ang mumunting mga salita para patahanin ito ay hindi niya magawang bigkasin, dahil pati ang kanilang bibig ay tinakpan upang hindi makagawa ng ingay.

Kanina pa siya nawawalan ng lakas. Wala silang kain simula pa man kagabi. Hindi nga sila nito pinapahirapan pero parang papatayin naman ata sila nito sa gutom at uhaw.

Dumako ang paningin niya sa nakapikit na si Triden Perez. Nasa isang sulok ito. Simula pa man nang dalhin sila nina Claw ay wala siyang nakitang pag-angal mula rito. Kalmado ito at parang tinatanggap na lamang ang kahihitnatnan nila.

Pero para kay Marco ay alam niyang may liligtas sa kanila. Alam niyang gagawa at gagawa ng paraan ang mga kaibigan niya, lalong lalo na ang nobya niyang si Chelsea.

He's silently hoping for a miracle though.

Biglang bumukas ang pinto ng silid na pinagsadlakan sa kanila. Pumasok ang babaeng tinatawag nilang si Viper, kasama ang dalawang armadong lalaki.

Agad namang kinuha ni Marco ang pagkakataong iyun para makita ang nasa labas ng silid. Pero nahabag ang kalooban niya nang tanging mga lalaking may armas ang nakita niya sa labas.

Kumunot ang noo niya nang makitang si Triden Perez ang nilapitan nito. Binuhusan nila ito ng tubig upang magising. Muling sinipa ni Viper si Triden Perez para man lang umangat ang tingin nito sa kaniya.

"I will warn you beforehand. Kapag nagmatigas o nagloko ang anak mong si Chelsea at ang mga kaibigan niya sa kapalit na hinihingi namin, ready yourself because you will gonna give her the fourth death she will deal with, for the rest of her life." Tanging saad ni Viper at natatawang lumabas sa silid.

Na-estatwa naman sa posisyon si Marco. Kita niya ang takot na bumalatay sa mukha nito. All he could think is what does Viper meant by that. But deep inside he knows what it could be. Ayaw niya lang aminin dahil kapag totoo nga ito, mahihirapan siyang makita na naman sa estadong 'iyun' si Chelsea.

Witnessing the death of her loved ones is a nightmare for Chelsea Kate Perez.

Hindi pa man naaalis sa isipan ni Marco ang narinig mula kay Viper ay naantala nang pagpasok muli ni Viper at Claw ang atensyon niya. Nakasunod sa dalawa ang apat nilang tauhan na nakikinig lang sa pagtatalo nang mga ito.

"Alas singko na ng hapon, Viper. Ni anino ni Chelsea ay hindi pa nagpapapkita."

"I know kuya. Pero give her time. We can't just kill everyone here."

Nanlamig si Marco sa narinig. Kita niya ang galit na namumuo sa lalaking tinatawag nilang Claw. Hawak ang isang dekalibreng baril ay paikot-ikot ito sa silid na para bang nababaliw dahil hindi pa dumadating ang nobya niyang si Chelsea.

Gusto niyang magalit dahil hindi niya akalain na may hinihingi ang mga ito sa nobya na magiging dahilan pa upang mapahamak silang lahat.

"Besides, knowing Venice's friends. They all risk everything for their loved ones." Pangungumbinsi ni Viper sa pinsan.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon