Thirty Third Fall

67 5 2
                                    

Thirty Third Fall

-The Party-


Jantiara Luna's POV

The party is held in the big function hall of the hotel. May palapag sa itaas para sa dagdag na bisita at mga rooms na paghahandaan ng mga ito.

Kapag dadaan sa private entrance ng hotel, pwede na kaming dumiretso sa private room ng function hall na iyun, na hindi dumadaan sa mismong sentro ng party.

"Can I wonder around Mama?" Tanong ni Hemera sa akin.

I looked at my little princess wearing a red ball gown.

"I'm with Tita Emma and Uncle Draqoe, so you don't worry." Dagdag niya pa.

Pansin ko naman ang gulat ng dalawang taong binanggit niya.

Na sa loob kami ng private room, pwera na lamang ng mga magulang namin at ni Mommy na pawang na sa baba na. Nakikipagkamustahan sa mga bisita. Tanging hinihintay na lamang namin ang pagdating ng Senyor at ni Lolo Laffonzo.

Hindi ata alam nina Emma at Draqoe ang sinasabi ng anak ko, kaya walang alinglangan akong tumango sa gusto nito para lalong pang mainis ang dalawa.

Nang makalabas silang tatlo ay kaagad naman na tumayo si Jovril na siyang dahilan para mapatingin kaming magpipinsan sa kaniya.

I'm putting a gun on my legs while Jacob is beside me, busy on his phone. Na sa harapan naman namin naka-upo ang magkapatid na Maurel at Mirrad Lauxo. Sina Eziah at Mawui naman ay may pinag-uusapan sa veranda ng private room.

"Where are you going?" Si Jacob ang nagtanong sa kapatid namin.

"Going out?" Supladong sagot ni Jovril.

"Jovril, you know it wouldn't be ---."

Agad kong tinapos ang paglagay ng baril sa binti ko at hindi pinatapos si Jacob sa sasabihin. Paggagalitan na naman niya ang kapatid naming 'yan kahit alam niyang may pagka-abnoy pa naman ito kapag ginalit.

"Go on, Jovril. Just be careful. Ayaw mo naman sigurong walang lumabas ng buhay sa mga bisitang iyan kapag may nangyari sa 'yo diba?" Pagpapa-alala ko, na kapag hindi siya nag-ingat at may nanakit sa kaniya, alam niyang hindi ko sasantuhin ang party na 'to makita lang ang gumawa no'n sa kaniya.

Alam niya ang ibig kong sabihin, kaya't kahit na nagsusuplado ang mukha, ay nagawa niyang tumango sa akin.

Nang makalabas ang bunso, ay saka pa lamang ako kinompronta ni Jacob.

"Why did you let him out? The party isn't starting yet."

Inis akong tumayo at naghanap ng salamin. Kaagad kong nakita ito at tinignan ang kabuuang repleksyon. Hinahanap ko kasi kung saan pwedeng ilagay ang mga kutsilyo ko.

"He's just checking Emma, Jacob. Kung wala kang tiwala ka sa kapatid nating iyun, lumabas ka at sundan mo." Nilingon ko siya, "at huwag kang magpapatulong sa akin kapag nagalit 'yun sa 'yo."

Muli ko na lamang tinuon ang pansin sa ginagawa ko.

"Ate Luna, I could watch Hemera later."

Napalingon ako sa pinsang si Mirrad. He's twelve and he likes to be with my daughter always, na siyang nakasanayan ni Hemera.

"That's good, Mirrad."

Tanging saad ko.

Matapos kong mai-pasok ang mga kutsilyong iyun sa may binti ko, lumabas na ako ang kwarto at tumayo sa railings na na sa labas mismo nito.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon