Nineteenth Fall

55 5 0
                                    

Nineteenth Fall

-Squad-


Third Person's POV

"Remember huwag sasama kung kani-kanino."

Pagpapaalala ni Emma sa pamangkin. Siya ang naghahatid dito patungong eskwelahan magmula nang makarating sila ng pilipinas at napag-pasiyahan na rito na lang muna ipagpapatuloy ang pag-aaral nito. Hemera is home schooled at Russia. The Senyor won't take the risk of putting his great-great-granddaughter to be open for the eyes of the predator.

Hindi naman sumagot si Hemera sa tinuran ng tita niya. After being found by her Uncle Maurel yesterday and went home without getting scolded by her mother, she even wonder why her absence doesn't mattered for her.

Tanging ang tita Emma lang nito ang maraming reklamo sa pagkawala niya. And as usual, she didn't answered any questions from her.

"Hemera, are you listening?" Pagpapansin ni Emma sa pamangkin.

Agad niyang nilagay ang headband nito at tinignan kung okay na ba ang itsura ng pamangkin. Ilang araw naman na bago ang closing ng school year kaya tinitiis muna ni Emma ang paghahatid-sundo rito. Isang beses lang naman siya hindi nagawang sumipot dito upang sunduin.

Nanatili ang walang pakeng mukha ni Hemera. Ipinaharap naman ni Emma ito sa salamin upang makita nito mismo ang sarili.

Wearing the uniform of the St.Philipp Primary School, and with her dark brown hair down, it lightened up her beauty.

"Ang ganda talaga ng Hemera namin." Pangungulit pa ni Emma at sabay na kinurot ang pisngi nito.

Inis naman na iniwas ni Hemera ang pisngi at inirapan ang tita Emma niya. Nagkibit-balikat na lamang si Emma at hindi napawi ang mga ngiti sa labi, sanay na kasi siya sa ugali nito simula pa man noong bata pa.

Nang makababa sila sa sala ay nadatnan nila ang masinsinang pag-uusap nina Eziah, Maurel at Draqoe.

Natigil naman si Hemera sa paglalakad nito na siyang naging dahilan para sitahin siya ni Emma. Seryosong nakikinig sa usapan ng mga Tito niya.

"Hemera, let's go. Mali-late ka pa sa klase mo niyan."

Pero parang binge lamang ang pamangkin at nanatili ang paningin sa tatlong lalaking seryosong nag-uusap. Hindi man lang napansin ang presensiya nilang dalawa.

"Hemera naman, tayo na." Pag-uulit ni Emma.

"Ako na."

Nabiglang napalingon si Emma sa likod at nakita ang pagbaba ng pinsang si Jantiara. Hindi ito naka-corporate dress kaya alam niyang hindi ito pupunta sa kompanya or sa Lion's Lare. Kaya nakapagtataka ang pagiging bihis na bihis nito.

"A-Ate Luna?" Nagtatakang saad ni Emma.

"Ako na maghahatid sa anak ko." Saad ni Jantiara at kaagad na inaya ang anak. Agad naman na tumugon si Hemera nang tawagin siya ng ina.

Iyung bata talaga na 'yun. Hindi nakikinig sa kin pero isang salita lang ng ina ay ... tsk. Sa isip-isip ni Emma habang napailing na lamang sa kinatatayuan.

Hindi na niya sinundan ng tingin hanggang sa labas ng mansyon ang mag-ina dahil umandar ang pagiging kuryoso niya sa masinsinang usapan ng tatlong lalaki sa sala nila.

Lumapit siya sa mga ito at nadatnan ang iilang litrato ng mga patay na nakabalandra sa center table ng sala nila.

"What is that?"

Hindi man lang kakitaan ng gulat ang tatlong lalaki nang lingunin siya ng mga ito. Na para bang alam ng mga ito na kanina pa siya nandiyan.

"That was the victims of the ambush. Lion's Lare's trainees." Si Draqoe na ang sumagot sa kaniya.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon