Eleventh Fall

114 7 0
                                        


Eleventh Fall

-Revenge-

Third Person's POV


Sa kaloob-looban ni Chelsea ay para siyang nakalutang habang tinatahak ang tahimik na hallway patungo sa kwarto ni CJ. Si Amanda mismo ang naghatid sa kaniya.

Ngayong tutulungan na siya nito ay para bang nawalan ng iilang tinik sa lalamunan niya. Pinangakuan siya nito na tatawag sa kaniya kapag nakilala na niya ang salarin at nasagip na ang daddy, nobyo at inaanak niya.

Malaki ang tiwala niya kay Amanda. Alam niyang magagawa nito ang pinangako. Ngayon, ang tanging pinoproblema niya ay kung papaano siya hihingi ng pera pambayad dito. Nanatiling ganoon ang pag-iisip niya hanggang makapasok siya sa kwarto ni CJ. Kung anong pwesto niya iniwan ang mga ito ay ganoon din niya ito nadatnan.

Pwera na lamang ng lalaking nakayakap kay Zoe. Si Benrad.

"Anong ginagawa niyan dito?" pagtataka niya.

Napatingin naman sa kaniya ang mga kasama. Ang kuya Tyler na niya ang unang nagtanong sa kaniya.

"So how was it? Anong sabi ng mga police?"

Natuod siya sa tanong nito. Ramdam naman niyang nasa kaniya ang atensyon ng lahat. Napag-isip isip niyang hindi niya pwedeng sabihin na hindi siya nagtungo sa mga police dahil alam niyang magtatanong at magtatanong lang ang mga ito. Ayaw niyang pati ang ginawa niyang pagpapakulong kay Freddo noon ay malaman pa nila.

She took a deep breath and sat beside Erin.

"They'll just call us nalang daw if may lead na sila."

Nasapo naman ni Tyler ang noo. "But when? Kate, they have Dad!"

"I know, kuya. They have also Marco and Zero! But what can I do? Kahit tayo wala tayong lead kung asaan sina Claw at Viper! So let us trust them."

Walang nagawa ang kuya niya at sumang-ayon dito. Ang pagsang-ayon na lamang sa sinabi ng kapatid ang kayang gawin ni Tyler sa oras na ito dahil hanggang sa pagkakataong ito hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Naguguluhan pa rin siya sa nangyari. He's a businessman just like his dad, but yet at this point, he can't think straight to the things that they must do.

Tahimik naman ang mga kaibigan nang tignan ni Chelsea ang mga ito.

"Y-You went to h-her?" Mahinang tanong ni Erin sa kaniya.

Kunot noo siyang napalingon dito. Nagtataka rin kung bakit ito bumubulong.

"Y-You know. H-Her. L-Luna." Pagka-klaro ni Erin sa tanong.

Sa huling tanong na iyun ni Erin ay natanto niya kung sino ang tinutukoy nito, si Jantiara Luna. Umiling siya. Papaano niya naman mapupuntahan ang taong iyun kung hindi niya alam kung papaano ito makikita? Aminin niya man na naisip niya ang opsiyon na iyun kanina, pero nahawaan siya ng hiya at hindi alam kung papano hihingi ng tulong dito.

"Hindi ko alam kung pwede pa ba tayong makahingi ng tulong sa kaniya." Sa isip-isip ni Chelsea.

"I went to someone who I think who could help us." Mahina rin niyang sagot dito.

"Who?"

Malungkot siyang napangiti sa kaibigan, "Even though I want to be honest with you, just not now, E. Maybe after this. Just trust me on this one."

Kahit naguguluhan man sa sinabi ng kaibigan, walang nagawa si Erin kung hindi ay tumango. Napalingon na lamang siya sa anak na si Eris na tulog sa bisig ni Duke. Malaki ang pasasalamat niya na hindi ito kinuha ng mga masasamang tao dahil hindi niya alam kung ano ang magagawa niya kung sakali.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon