Seventh Fall

73 10 0
                                    


Seventh Fall

-Invitation-


Chelsea's POV


Gustuhin ko mang sabihin ang hinala ko tungkol sa batang kasama ni Emma ay hindi ko na lamang ginawa. I just told CJ that the red-haired girl that I saw on the bar ay kakilala pala ng mga Crest.

"Thank you talaga, Che. I don't know who would lend their time for me this time. Duke has an important meeting with their boss today. Si Mommy naman may client na kailangang i-meet today. Tapos, our friends are busy on their careers. Unfortunately, ngayon pa ako nagkaroon ng hectic sched sa C's Limelight. May bagong model daw. I'm so thankful talaga to you, Che! I love yo---."

"O siya siya. Ang dami mong sinasabi. Napaghahalataan ka tuloy." Pagpipigil ko sa pagsasalita niya. You know that Erin is fake thanking you when she has lots of reason to thank you rather than saying thank you in a most simple way.

Bumungisngis naman siya sa harapan ko. Inirapan ko na lamang siya at tinignan ang nakasimangot na si Eris sa harapan ko.

"Oh, ba't ganiyan mukha mo Eris?"

She looked at her mom, "I told you Mommy, I don't want to see the face of that girl. Nakakairita."

Bumaling ang tingin ko kay Erin, pinagtaasan ko siya ng kilay. Ano na naman ang pinag-aalburoto ng anak niya ngayon?

"Baby, you can't hate a person the first time you saw her. Wala naman siyang ginawa sa 'yo diba? So why hate her? Malay mo, she'll be your bestfriend." Pag-aalo ni Erin sa anak.

Mataray pa ring tinitigan ni Eris ang Ina. Iyung batang pinakilala ni Emma na anak niya ang tinutukoy niya? May pagka-Eris din ang bibig no'n eh, bakit hindi magawang kaibiganin ni Eris 'yun?

Inalalayan ni Erin ang anak papuntang sasakyan ko. Nang makapasok ako sasakyan at tipong bubuhayin na sana ang makina ay bigla na lamang kinatok ni Erin ang salamin sa pwesto ko. I opened it at ang kuryosong mga mata niya ang bumungad sa akin.

"What?" pagtataray ko.

"Why so sudden?"

"Huh?" Hindi ko nagi-gets ang ibig niyang sabihin.

"Are you ..." Pambibitin niya.

"Tigilan mo 'ko sa pambibitin mo, E. Mali-late na anak mo."

Nang tinawanan niya lang ako ay sinarado ko ang bintana sa side ko at pinaandar ang sasakyan. Alam ko ang gustong sabihin na iyun ni Erin. Sa tingin niya ay may iba akong pakay kaya ako ang nag-presinta na maghatid sa anak niya, which is totoo nga naman. It was almost a week after that encounter with Emma. At sa loob ng isang linggo na iyun ay naging busy kami sa ginagawang pagre-ready para sa graduation namin. Hindi ako nagkaroon ng tyansang pumunta muli sa primary school nina Eris dahil doon. From that day, I wanted to catch up with Emma at magtanong ng mga kahit ano. Gustong-gusto kong malaman kung sino talaga ang magulang ng batang iyun. I don't know why I am so eager to do that. I just felt the need that I needed to know.

Since today, two days before our graduation, wala na kaming gagawin kaya nagkaroon ako ng oras para mahingan ni Erin ng tulong. Kaya nagprisenta akong maghahatid sundo kay Eris sa araw na ito.

Napatingin ako sa salamin at nakita ang paglalagay ng pulbo ni Eris sa mga mukha nito. Wala sa sariling napailing na lamang ako. How old is she again? Six years old right? She was really influenced by her mother, and Zoe. Pinagsamang Erin at Zoe, the combination of the two would lead to a really maldita pa sa kung ano ma'ng meron ang dalawa.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon