Twenty Sixth Fall

46 4 0
                                    


Twenty Sixth Fall

- Senyor-


Jantiara Luna's POV


I saw how disturbed Claw was, when my men took out the dead body of Viper out of that room. Ang mga mata'y nanglilisik, hindi magawang makapagsalita. Tanging atungal niya lang ang nangingibabaw. I didn't utter anywords even though the people - except with our men, here with me at this moment looked at me like I should say anything they expected.

Hindi ko na kailangang magsalita pa, ang makita lang na mabaliw si Claw sa ginawa ko sa pinsan niya, ay isang malaking patunay na kung papaano ako maningil ng mga kasalanan.

Agad na umaalingasaw ang baho ng bangkay ni Viper pagkalabas na pagkalabas ng mga tauhan namin. Agad namang inilagay ng mga tauhan ang katawan nito sa isang itim na human-sized bag.

"I really don't like it when you enjoy torturing."

Binalewala ko lang ang sinabi ni Jacob. Kahit hindi man sang-ayon sa mga ginagawa ko, alam ko namang isa siya sa nag-eenjoy kapag nakakakita ng gano'n.

"Who taught you how to peel a skin like that?" Nagtatakang tanong ni Eziah. Nakatayo katabi ni Jacob.

"Tell me not to make you piss, cousin. Look how you single-handedly make Claw crazy." Saad pa ng isa ko pang pinsan na si Mawui. He also came home last two days with Mommy and Tito Locrine.

Napatitig naman ako kay Claw na ngayo'y umiiyak na. I never saw him like that, never. Hindi ko akalaing ang pinaka-unang pagkakataong makita siyang ganiyan, ay makapagbibigay kasiyahan pala sa akin. Sometimes, seeing someone suffer is the only thing that could make you happy. Especially when it's the only thing you wished after all the pain he gave you.

"Kulang pa 'yan sa mga ginawa niya. Viper's death isn't enough." Saad ko. Mula sa ginawa niya kay Kuya Rex hanggang sa pinadama niyang katrayduran sa akin, sobra pa diyan ang sisingilin ko. Kulang na kulang pa 'yan, Claw.

Hindi ko maiwasang mapalingon sa katabi ko nang marinig ko itong humagikhik. Natigil naman siya sa pangngiti nang makita ang pagbaling ko.

Kung si Jacob, palagi akong pinagsasabihan pero laging naka-suporta pa rin sa akin sa huli, si Jovril naman, ang nag-iisang taong nasisiyahan sa bawat ginagawa ko. Kahit ata patayin ko pa ang kapatid naming si Jacob sa harapan niya, ay tatawa lang siguro ito. But he is such a snob to everyone. Sa akin lang talaga bumabago ang ihip ng hangin niya.

Sinamahan ako ng apat na ito nang malaman nilang ilalabas ko ang katawan ni Viper. Habang ang mga taong na-iwan sa mansyon ay ang mga taong KJ pagdating sa trip kong ito.

Matapos ang ginawang pangswe-sweet talk ni Jacob sa akin kahapon, gaya ng inaasahan, pinagsabihan ako nina Tito Locrine at Mommy tungkol sa mga nangyari. And as usual, binalewala ko lamang iyun. Ang totoong hatol naman talaga ay mangga-galing sa taong darating mamaya – kay Senyor.

"So what is your plan with him?" Jacob asked me, pertaining to Claw.

Hanggang hindi pa nakalatag ang konkretong plano laban sa mga Viktroune, mananatili muna siya rito. Mababaliw sa senaryo nang pagkamatay ng pinsan niya. If Viper got my physical torture, Claw is getting the emotional torture, and I think the latter one is more crucial.

I looked at my eldest brother and just give him a cold shoulder. He really has this habit of asking me things when he literally knows I wouldn't answer him.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon