Twenty First Fall
-Jacob Law-
Third Person' s POVNang maalala kung papaano sabihin sa kaniya lahat ni Jacob. Hindi niya magawang hindi mapa-iling. Hindi rin niya akalain na maglalakas loob sina Marco at Chelsea na tanungin siya tungkol dito.
Jantiara smirked, "I didn't know that both of you has the detective skills." Saad niya habang tinuturo ang magkasintahang sina Chelsea at Marco.
"Maybe you could try working for us. The Mafia needs that kind of brains. Marunong kumilatis at mag-imbestiga." Dagdag pa ni Jantiara.
Both Chelsea and Marco shut their mouth. Hindi kasi nila alam kung compliment ba ang sinabi nito o hindi.
Natigilan silang lahat nang makarinig nang ingay galing sa loob ng mansyon.
"IS LUNA HERE, LAXINE?"
Gustong manlumo ni Jantiara sa ingay na dulot ng pinsang si Maurel. Nagkatinginan naman ang magkakaibigan sa narinig. Hindi nila alam na sa kabila ng pagiging delikado at seryoso ng pamilyang ito ay may kasapi pa rin pala silang maingay.
"YES! AND FOR FUCKING SAKE! YOU DON'T NEED TO SHOUT, MAUREL LUXX! YOU CAN ASK EVERYONE AROUND YOU, DUMB SHIT!" Dinig naman nilang sagot ni Emma na nanggagaling sa kabilang bahagi ng mansyon.
Natawa naman ang magkaibigan pwera na lang ni Erin. Nakalimutan niyang Crest din pala ang nagmamay-ari ng C's Limelight na pinagtatrabahuan niya. Pero hindi naman niya akalaing nasa mansyon ito sa oras na ito. Ayaw na ayaw niya talaga sa apog ng lalaking iyun. Masiyadong mahangin.
Dinig nila ang mapang-asar na tawa ng lalaki na alam mong sinadya talagang lakasan. Napa-face palm na lamang si Jantiara. Nagagawa lang talaga ng mga iyan na sumigaw sigaw dahil unang-una sa lahat, nasa pilipinas sila, wala ang Senyor upang pagalitan sila at ang pang-huli, ay tanging sila lang magpipinsan ang nasa mansyon ngayon, wala ang mga matatanda.
"BUT YOU ARE ALSO SHOUTING EMMA LAXINE! I BETTER FIND HER THAN ASKING YOU!" mapang-asar na sagot ni Maurel. Lumalapit sa pwesto nila ang tinig nito.
"AT NAGTANONG KA PA? WHAT A JERK! MAS MABUTING BUMALIK KA NG RUSSIA, BWESIT KA! "
Kitang-kita ni Jantiara ang mga ngiti sa mga mukha ng kaibigan. Halatang nasisiyahan sa narinig. Napailing na lamang siya. Her cousin can sometimes be loud. What more kung andito sina kuya Mawui Liam, at pinsang si Mirrad Lauxo? For sure mapapaiyak na naman nila si Emma sa pang-aasar nila.
They can't do that to her, though. Isang tingin niya lang sa mga ito ay matitigil na ang kung ano mang kabaliwang naiisip.
Malalaki ang yabag ni Maurel kaya't dinig nila ang paglalakad nito papunta sa garden at ilang sandali pa ay namuwati na nga ang mukha ng pinsan.
Agad itong ngumiti nang makita siya.
"Luna! My dear cousin, there you are!" Saad nito sabay halik pa nito sa balumbunan niya. Inis naman niyang iniwas ang ulo. Sinamaan naman niya ito ng tingin.
"You are both loud. Can't feel a sting of shame? I have visitors, Maurel." Saad niya at tinuro ang mga kaibigan.
Ngumiti naman ito sa mga kaibigan niya. Nagtaka naman si Jantiara nang biglang napawi ang ngiti ng pinsan. Nang tignan nito ang tinitignan, ay mas kumunot pa ang noo niya.
Kita nang lahat ang gulat sa mukha ni Zoe nang makita si Maurel Luxx.
Ibinalik-balik naman ni Jantiara ang paningin sa kay Zoe at sa pinsan. Tuluyan niya lang natigil ang kakatingin nang magseryoso ang mukha ni Maurel at tumindig ng maayos.
BINABASA MO ANG
When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]
Novela JuvenilNOTE: Read first the Book 1 entitled: When Venice Falls ********* Venice, once a perfect student, vanished under mysterious circumstances, leaving her loved ones in despair. When darkness envelops the world, a new force rises from the shadows. This...