Sixth Fall
-Hemera Nyx-
[Japan. Viktroune Manor]
Kanina pa namamangha si Benrad sa nakikitang tauhan na nakapaligid sa kanila. Mula pagdating nila hanggang sa papasukin sila sa masyon na pinuntahan nila ay hindi na sila pa nilubayan ng mga lalaking nakasuot ng maitim na montsuki kimono. May manipis na itim na telang naka-tabing sa kanilang mukha. Kung titignan ay para silang mga ninja sa mga suot.
"Bakit nga ba tayo pumunta rito uncle?" Tanong ni Benrad sa tito niya.
Tinignan ni Perseus ang pamangkin. Naawa siya rito pero ayaw niyang ipakita. Ayaw niyang pati siya ay kakitaan ng kawalan ng pag-asa. Hindi niya akalain paglabas ng ospital matapos ang nagawang pag-ambush sa kanila ng mga hindi nakikilang mga tao sa Germany, ay nalaman na lamang niyang pinatay ang pamangking babae at dinakip ang kapatid niyang si Penelope at ang bayaw niyang si Edwardo.
Kaya naparito siya sa Japan para ihimlay ng matiwasay ang pamangking babae at humingi ng tulong sa mga taong naging dahilan rin ng lahat.
"Hihingi tayo ng tulong." Tanging saad niya.
Kumunot ang noo ni Benrad sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng uncle niya. Dahil para sa kaniya, wala nang makakatulong pa sa kaniya ngayo't patay na ang ate at nawawala naman ang mga magulang niya.
Wala man siyang alam sa tunay na nangyayari ay alam naman niya ang pinagmulan nito. Si Venice. Tanging ang pagkamatay ng kapatid ang simula ng pagkanda letse-letse ng buong pamilya nila.
"Perseus De la Santos!" Saad ng kapapasok lang na lalaki. Hindi ito katandaan. Sa isip-isip ni Benrad ay maihahantulad niya ang edad nito sa namayapa niyang kuya Rex.
"Yave Viktroune!"
Benrad bowed, following what his uncle did.
"It's been what? 21 years? Am I correct? Where is she?"
Nanlamig ang mga kamay ni Perseus sa naging tanong sa kaniya ni Yave. Hindi niya alam kung papaano niya sasabihin sa lalaki ang tungkol sa nangyari sa kapatid. He was one of his men after all. Persues was one of the hundred men that worked for Viktroune Clan.
Sa namayapang Senyor ng Viktroune siya talaga nakapag-silbi ng husto. Nang mamatay ang Senyor nito ay umalis siya sa samahan. Ngayon pa lamang siya bumalik nang malaman ang agenda ng anak ng dating pinagsisilbihan.
"She-She was abducted. They killed my niece and nephew." Pantutukoy niya sa kapatid na si Penelope. Magkasama sila ng kapatid noon sa misyon na binibigay ng Viktroune sa kanila. Him, serving the Viktroune and her sister being a spy on the Crest Familia.
Kumunot ang noo ni Yave. This is not what she expected. He heard that the De la Santos family, a family that served his father for long time has someone they are all looking for.
"You left the Clan in the midst of its downfall, what kind of a servant is that? You obligely came into my den, Perseus. Knowing what can I do? Does that mean you are willing to face your death? What you did is treason and treason for me is death."
Napayuko na lamang sa takot si Perseus. Alam niyang kung nabubuhay pa ang ama ni Yave Viktroune ay hindi siya nito pagbibigyan ng pagkakaton na huminga pa ng ilang segundo. Kilala niya ito, isang mali mo lang ay kamatayan na kaagad ang makukuha niya.
Bigla namang nakaramdam ng takot si Benrad sa narinig na iyun. Ang akala niya ay makakakuha sila ng tulong sa mga ito kaso hindi pa ata iyun ang mangyayari. Mula pagkabata ay alam niyang kasapi ng isang organinasyon ang mga magulang at Uncle niya.
BINABASA MO ANG
When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]
Novela JuvenilNOTE: Read first the Book 1 entitled: When Venice Falls ********* Venice, once a perfect student, vanished under mysterious circumstances, leaving her loved ones in despair. When darkness envelops the world, a new force rises from the shadows. This...