First fall-A name from the past-
/* Two months after Eris’ Birthday*/
Nagmadaling iligpit ni Chelsea ang isang set ng pencil niya at ang kaniyang T-square. Napatingin ang mga kasamahan niya sa kaniya.
“You are in a hurry?”
Tanong sa kaniya ng isa niyang ka-klase.
Tumango siya habang nililigpit ang ilang papel na basura niya.“Oo eh. Birthday ng inaanak ko.”
“Woah! So thoughtful para sa isang ninang.”
Tumawa na lamang siya dito. Nang matapos iligpit ang kaniyang gamit ay agad niyang sinuot ang bag sa likod. Napatingin siya sa mga ka-klase.
“Malapit na finals. Natapos mo na ang final plate mo?” Tanong pa ng isa.
“Easy peasy. Una na ‘ko! Kita na lang tayo sa Monday!”
“Bye Chelsea!”
“Bye!”
Mabilis siyang naglakad paalis doon at nakangiting tinahak niya ang daan patungong parking lot ng Philippians College. Malayo pa lamang ay nakita na niya ang iilang babaeng parang kiti-kiti sa isang tabi. Hindi na siya magtataka kung sino ang mga nakikita ng mga ito.
Isang van ang dala ng barkada at alam niyang kung pati si Duke ay lumabas rin ay for sure lalapitan na sila ng mga babaeng ito. Nakasandal sa labas ng gray van ang kuya niyang si Tyron at ang nobyong is Marco. Kahit college na siya, in fact last year na niya ito sa college at ga-graduate siya sa march, at ang nobyo naman kahit isang free-lance photographer ay nagkakaroon pa rin sila ng oras sa isa’t-isa.
Umaktong disappointed ang kuyang si Tyron nang makalapit siya.“Ang tagal.”
“Duh, kuya kailangan ba talagang lumabas habang hinihintay ako?”
“Mii.” Yakap ni Marco sa kaniya. Ginantihan naman iya ito ng halik sa pisngi.
“Tsk. Pumasok na tayo.” Pagpapatigil ni Tyron sa nangyayaring ka-sweetan ng kapatid at ng nobyo nito.
Binuksan ni Tyron ang pinto at tumambad sa kaniya ang mga taong nasa loob nito. Yakap ng isang bata ang agad na bumungad sa kaniya.“T-Tita!”
“Eris! Oh my god, you are heavy!” Natatawa niyang saad dito. Agad namang umalis ang bata sa yakap niya. Ayaw nitong sinasabihan ng mabigat. Bata pa lang ay nakikitaan na ito ng pagiging conscious sa katawan.
Saan pa ba ito magmamana?
“Eris, you’re choking your Tita Chelsea. Come here baby.” Tawag ng amang si Duke.
“She called me heavy Dad!” Maktol ng bata. Natawa naman ang lahat. Agad na pumasok ang tatlo at naupo sa mga bakanteng upuan.
“Totoo naman.” Pang-aaway ni CJ sa bata.
Ngumuso na lamang ito at tahimik na lumapit sa Ina na busy sa cellphone nito.
“Mom! Tita CJ is away-away ako.”
“CJ.” Saway ni Erin dito. Natawa naman si CJ.
“Wengya, nagco-conyo na naman ang anak mo Erin. Anong lenggwahe ba pinagtuturo mo diyan? Kung ako magkakaroon ng anak, pilipinong lengwahe lang ang ituturo ko.”
“Heard that kuya? Nagpaparinig si CJ.” Natatawang saad ni Chelsea sa kuyang si Tyron. Nasa driver seat ito dahil siya ang magda-drive. Nasa front seat naman na-upo si Marco. Nasa second seat sina Chelsea at CJ habang nasa likurang bahagi sina Erin at Duke kasama ang anak na si Duchess Eris.
BINABASA MO ANG
When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]
Teen FictionNOTE: Read first the Book 1 entitled: When Venice Falls ********* Venice, once a perfect student, vanished under mysterious circumstances, leaving her loved ones in despair. When darkness envelops the world, a new force rises from the shadows. This...