Thirty Seventh Fall

70 5 0
                                        

Thirty Seventh Fall

- Bulalo-


Third Person's POV


Kanina pa palingon-lingon si Zoe sa paligid. Hindi niya magawang makampante nang mai-balita sa kaniya ng guwardiyang nagbabantay sa subdivision nila na may nakita itong mga kahina-hinalang lalaki sa harapan ng bahay niya kagabi.

Nang mabalitaan niya ito kanina, hindi siya nag-aksaya ng panahon pa at tinawagan ang mga kaibigan at umalis ng bahay.

"Mom, why don't we call papa?" Si Zero na kanina pang nakatingin sa pagiging aligaga ng ina.

Umiling na lamang si Zoe sa suhestiyon ng anak. She can't deal with that man, not after knowing that he was a Crest. The fact that her son is calling that man his 'Papa' drive her nuts.

Kahit nagawa siyang sabihan ni Jantiara Luna noong isang araw na tawagan ito kapag may nakitang kakaiba sa paligid, ay hindi niya pa rin kayang gawin. Kahit na ang numero nito ay nakatipa na sa kaniyang cellphone.

"Zoe!"

Napaangat siya nang tingin at nakita ang mga kaibigang si Chelsea at Erin na papalapit sa kina-uupuan nila.

"What's with you ba? At dito mo pa kami pinapunta sa Tom's World? Zero isn't even playing." Puna ni Erin nang ma-upo. Tumabi naman sa kaniya si Chelsea.

Chelsea knitted a brow as she noticed Zoe looking at the people passing by. Naninibago siya sa kilos ng kaibigan.

"Are you okay, Z? Anong importanteng sasabihin mo na hindi mo masabi-sabi sa phone?" tanong ni Chelsea rito.

Muli pang tumingin-tingin si Zoe sa mga taong dumadaan, bago niya nagawang sagutin ang katanungan sa kaniya ni Chelsea.

"Our subdivision night guards told me earlier that they saw someone lurking around my house last night. I don't know ... when I heard about that earlier, I just freaked out. Kaya natawagan ko kayo kaagad. All I want is to not stay at that house today." Mahabang saad ni Zoe na kitang-kita ang pag-alala sa mga mata nito.

Erin snorted, "How come? Your subdivision are secluded. Walang basta-bastang nakakapasok. Baka naman he's just messing with you, Z. C'mon, don't tell me you're afraid of ghosts?"

Hindi natuloy ang mapanuyong mga tingin ni Erin nang makita ang seryosong mga mata ni Zoe. Hindi alam ni Zoe na kaya pang magbiro ng kaniyang kaibigan sa mga ganitong pagkakataon. Well, she's not the scaredy-cat type of a woman that they all knew. She even that scared of horror stuffs but the thing that scared her at this moment was the thought of what Jantiara Luna said to her.

Dalawang araw na mula nung ihatid sila ng family car ng mga Crest. Sumama pa sa bahay niya si Maurel Crest at ang marinig ang sinabi sa kaniya ng guwardiyang iyun ang mas nagpa-pukaw sa kaniyang takot.

What if it was Benrad De la Santos? Sa isip-isip niya. Hindi kasi ito nagparamdam sa kaniya mula nung umalis ito patungong Japan. Kahit na hinihintay niyang tumawag ito sa kaniya dahil sa nangyari sa kaniyang tiyo na si Perseus De la Santos, maski ito ay ay hindi nito nagawa.

Seeing the curious faced of both Erin and Chelsea, she decided to tell the both of them about the conversation she had with Jantiara Luna.

Habang nakikinig sa mga sinasabi ni Zoe, nagawang maintindihan ni Chelsea ang pagiging aligaga ng kaibigan at kung bakit biglaan itong nakipagkita sa kanila.

"So, you thought that ... that was Benrad?" Tanong ni Erin matapos ilathala ni Zoe ang hinala nito.

Tumango si Zoe bilang pagsang-ayon dito.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon