Sixteenth Fall
- The Evil Moon-
Note: If you encounter a sign like this -- -- this means that a certain character is thinking about a certain past scenarios / flashbacks.Votes and Comments are highly appreciated! Enjoy reading!
Third Person's POV
Hindi malaman ni Emma kung papaano sasabihin ang nangyari sa pamangkin lalo na't kanina pa tumutunog ang cellphone niya.
"If I were you, keep that in silence before she will come here and get irritated by that." Saad ng katabi niyang si Orman.
Pinagtaasan niya lang ito ng kilay. Kanina pa siya hindi mapakali sa kinatatayuan.
After calling Osha, Jantiara asked them to come after her in the punishment room that was at the basement of the mansion. Being a Crest, they are trained and used to see bloods and cruel stunts. Pero ito pa lamang ang kauna-unahang pagkakataon na makikita niya ang isa sa pamilya nila na may gagawing pagpapahirap sa mga taong nasa sentro ng silid na iyun.
Ang punishment room na iyun ay masiyadong mahigpit ang pagkakagawa, na tanging eye scanner mula sa miyembro ng pamilyang Crest ang makakapasok at makakalabas. It was built with a cold temperature and circled with metal as its foundation. Sa sentro nito ay isang enclosed transparent glass circle na mayroong isang mesa at silya na nakapaloob.
It looks like an interrogation room. May mga ilaw, at hindi nakikita ng nasa loob kung sino ang nasa labas. Pero nagagawang panoorin at madidinig ng na sa labas ang mga nangyayari sa loob.
Kasa-kasama niya si Jaguar pagpunta roon dahil may kinuha pa ang magaling niyang pinsan sa mansyon. Nasa kaliwang bahagi niya nakatayo si Jaguar habang nasa kanang bahagi niya naman nakatayo si Orman. Apat na tauhan naman ang nakapalibot sa bawat sulok ng kwarto at may dalawang nakabantay naman sa labas.
Jaguar's attention was all over the room. Hindi niya akalain na makikita niya mismo ang punishment room na pagmamay-ari ng isang mafia. Halos mapalunok siya nang makita ang mga bibihirang armas at patalim na nakasabit at parang throphy lang na nakadisplay sa may gilid.
Kahit alam niya kung anong klaseng mga tao ang mga ito, nabibigla pa rin siya sa mga nakikita. Kahit naman kasi kasapi siya ng Organisasyon nila, hindi niya pa rin lubos akalain na nage-exist pala talaga ang mga ganitong bagay.
Namutawing muli sa tahimik na kwarto ang ringtone ng cellphone ni Emma. Inis niyang pinatay kaagad ito.
"B-Bakit hindi mo sagutin?" Hindi mapigilang tanong ni Jaguar dito.
Umiling-iling naman si Emma. She can't answer it dahil baka ano pa ang itanong nito sa kaniya.
"Who's calling?" Tanong din ni Orman dito.
Napahugot ng malalim na hininga si Emma at tinignan ang pangalan ng tumatawag.
"It's Eziah. Why don't you answer your brother? Maybe it's important." Suhestiyon ni Orman dito.
Napatango na lamang si Emma. Baka nga importante. It took him twenty missed calls that she keeps on declining. Hindi kasi alam ni Emma kung ano ang kinatatakot niyang marinig mula rito.
Their Organization's van was just ambushed and she don't know what the heck is happening. Nawawala pa si Hemera. Na for sure, kapag malaman ng buong angkan lalo na ng Senyor, ay magdudulot ng isang malaking sigalot. At ngayo'y hindi niya alam kung ano ang plano ng pinsang si Jantiara sa dalawang bugbog saradong tao na nakaupo sa mga silyang nakapaloob sa glass room ng kwarto.
BINABASA MO ANG
When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]
Ficțiune adolescențiNOTE: Read first the Book 1 entitled: When Venice Falls ********* Venice, once a perfect student, vanished under mysterious circumstances, leaving her loved ones in despair. When darkness envelops the world, a new force rises from the shadows. This...