Fifteenth Fall

42 5 0
                                    

Fifteenth Fall

-Starting...-

Jaguar's POV

Hindi ko magawang kausapin si Luna habang pababa kami ng elevator. Good thing, kami lang ang sakay nito kaya maraya akong nakatingin lang sa ekspresyon ng mukha niya. With her two fists closed, alam kong gusto na nito manuntok ng tao.

Nagulat ako kanina nang makatanggap ng tawag mula sa kaniya. She asked me to come with her para tignan ang lagay ng kaibigan. Hindi ko akalain na pupuntahan nga niya talaga ito. Bago pa man kami makarating kanina ay hindi ko na nagawang magtanong kung bakit. Kung bakit bigla bigla siyang nagpaplano na makipagkita sa mga ito. Dahil sa pagkakaalam ko, wala siyang balak na muling magkaroon ng koneksyon sa mga ito. Doon ko lang talaga nalaman ang dahilan nung sagutin niya ang katanungan ni CJ kanina.

Nang makarating sa basement ng ospital ay na-una siyang lumabas ng elevator na siyang agad ko naman sinundan. Agad kaming nagtungo kung saan naka-park ang van ng pamilya nila. When we entered the van, ang nakangiting mukha ni Emma Laxine ang kaagad na bumungad sa amin.

Luna sat at the back seat of the car. Habang ako ay walang nagawa kung hindi ay tumabi kay Emma. Hindi naman kasi pwedeng tumabi ako kay Luna dahil baka ako pa panlabasan ng inis niya.

"So, how was it?" tanong ni Emma sa pinsan. Napadako naman ang paningin ko sa driver at isang tauhan nilang umukupa sa front seat ng sasakyan. Tahimik ang mga ito at pawang naghihintay sa senyales ng mga amo nila.

Hindi siya pinansin ni Luna dahil busy ito sa ginagawa sa cellphone niya. Ano nama'ng ginagawa ng isang 'to?

"Ate Luna?" Pagpapansin ni Emma sa kaniya.

"Save your questions later, Laxine. I'm busy."

Mukha nga. Nagkibi't-balikat na lamang ako kay Emma nang mapatingin siya sa akin. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin.

"Hindi pa ba tayo aalis, ate?" Muling tanong ni Emma.

Muli ay hindi siya pinansin ng pinsan. Pawang nakatingin lang kami sa ginagawa niya. Tutok ang mga mata niya sa ginagawang pagtitipa. Ilang ulit niyang nilalagay ang cellphone sa tenga at ilang ulit niya ring ibinababa ito. Na para bang hindi siya sinasagot ng kung sino man ang tinatawagan niya.

"Damn it." Inis niyang saad matapos ang huling pagtangkang tawag.

Binalewala na lamang siya ni Emma at itinuon ang atensyon sa sarili nitong cellphone. Now I left with no choice but to settle on my seat and observe the two Crests that I am with.

Matapos kung malaaman noon ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Jantiara Luna. Jacob Crest asked me to setup everything from her fake death and burial. Sa mga panahon na 'yun, tanging si Emma at Jacob lang talaga ang nakakasalamuha ko sa buong angkan ng mga Crest.

The whole family were at Russia that time kaya hindi ko nagawang makita man lang ang mga ito. Even their manor here in the Philippines, I didn't had the chance to visit. Baka ngayon pa lang, kung isasama pa ako ni Luna roon.

I still don't know why she asked for me to accompany her today. Ang akala ko lang kasi, magiging mata niya lang ako sa mga dating kaibigan. Hindi ko aasahang pati sa gaganaping party ay gusto niya ring pumunta ako. I don't know what she's up to.

"Can you contact Bratan (Cousin)?" Pambabasag ni Luna sa katahimikan matapos ang ilang sandali.

Sabay namin siyang nilingon ni Emma.

"Sinong pinsan?" tanong ni Emma rito.

Napailing-iling sa kawalan si Luna bago ibinaba ang cellphone na kanina niya pa pinang-iinitan.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon