Fourteenth Fall

54 5 0
                                    

Fourteenth Fall

-Visitor-

Chelsea's POV

Yesterday was a nightmare for us. I can't believed that I witnessed that kind of mishap in my entire life. Matapos namin makuha sina Dad sa police station agad naman namin silang dinala sa ospital for further check-ups. Lalo na si Dad, ang dami niyang natamong sugat kaya kinailangan namin silang dalhin sa ospital.

Dad didn't wanted to be admitted even just for one night kaya wala kaming nagawa nung sinabi niyang mabuting sa bahay na lamang kaming magpahinga na lahat.

"Bakit hindi kay Marco ka nagpahatid ngayon, Kate?" Kuya Tyron asked me. Making me think of what are the other happenings  that made me fluster in sadness yesterday.

I was overall silent from the moment we left the house and when we are stucked up in traffic ay ngayon lang niya 'yan itatanong?

I just looked at him and shooked my head. I knew na kahapon pa lang ay mapapansin nila ang hindi namin pag-uusap ni Marco. Well he's the one who's not talking to me. When he asked me about who is Jantiara Luna Crest, I did told him nothing. Which made him mad at me and didn't talked to me all day.

"Anong klaseng sagot 'yan?" Natatawa niya pang tanong sa akin.

When he noticed na seryoso ako ay napawi ang mga ngiti niya. He started driving the moment na nakausad na ang mga sasakyan sa unahan namin. I thought titigilan na niya ang pagtatanong pero si kuya Tyron pa? Katulad lang 'yan ni CJ, ayaw na ayaw na nali-late sa mga balita sa paligid nila.

"Nag-away kayo? Inaway mo? Kagagaling lang nung tao sa pagkaka-kidnap, Kate."

Inis ko naman siyang tinignan. He's making it light, as if I am the reason. Well, I am naman.

"Pagod siya kahapon kuya. That's why."

Nagkibit-balikat siya, "Hindi 'yan ang pagkakakilala ko kay Marco, Kate. Kahit pagod 'yun lalo pa't muntik nang malagay sa alanganin ang buhay niya at buhay mo, hindi no'n pipiliin ang pagod bagkus mas pipiliin no'n ang makasama ka."

I sarcastically laugh, "You're talking as if you knew him that much. When did you ever favor Marco rather than me, by the way?"

I head him sighed. I knew I got him there. Ilang taon na ang nakalilipas nung bumalik si Marco and revive everything that we had and from that Kuya Tyron is against him. Kaya minsan nakakapagtaka ang makitang pumapanig siya kay Marco.

"Bago mo pa man siya unang nakilala, una ko siyang naging kaibigan, Kate. Kaya alam ko ang galaw ng bituka no'n lalo na kapag ikaw ang pinag-uusapan."

I didn't mind what he said. Alam ko naman iyun. If I can remember well, he was the one who introduced Marco to me when we were young. But the thing is, I am the one who is at fault now. I know it isn't good hiding something to your boyfriend pero anong magagawa ko? I can't tell him the truth. Not yet.

Nang makarating kami sa ospital ay kaagad kong nakita ang pagsakay ni Benrad sa sasakyan nito. Nauna akong bumaba sa sasakyan dahil may kinukuha pa sa loob si Kuya Tyron. Food for CJ, I think?

Hindi ko inalis ang tingin sa sasakyan ni Benrad magmula nang paandarin niya ito hanggang makalabas siya sa parking lot ng ospital.

"Kate." Untag ni kuya sa akin nang makitang nakatingin lang ako sa malayo.

"Sinong tinitignan mo?"

"Anong ginagawa ni Benrad dito?"

Napalingon naman siya sa tinatanaw ko kanina bago ibinalik sa akin ang paningin.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon