Eight Fall

85 10 0
                                    


Eight Fall

-Hatred-

Cailha Jae's POV

"Iyung taong akala mo ay wala na."

Ano raw?

Hindi ko nagawang alisin ang sariling mga tingin sa papalayong si Emma. Anong halaman na hithit ng batang iyun at pinuntahan pa talaga ako dito? Muling dumako ang paningin ko sa hawak-hawak na maitim na envelope. Muli kong binasa ang nakasulat dito at lintek lang dahil kumakati ang kamay ko para buksan ito.

Bakit ko pa kailangang maghintay ng dalawang araw para buksan 'to? May saltik din ata ang batang 'yun eh.

Naantala ako sa sariling pag-iisip nang matantong kanina pa pala ako nakatayo doon na para bang tanga lang. Inis akong bumalik sa kusina at kung minamalas ka nga naman nadatnan kong nagmamagaling na naman ang nag-iisang demonyita sa kusinang ito.

"Look you are not even wearing some hair net, my god! Where's the sense here people?"

Napamaang ako sa sinabi niya. Sense sense niya mukha niya. Dumako naman ang tingin ko sa lalaking nasa harapan niya. It was Jace. Isang kalbong taga-luto rito. Pawang lahat ay nakayuko. Ewan ko ba kung bakit natatakot sila sa inggratang 'to.

"C'mon! Don't just stand there Jace! Put your hair net on!"

"Hindi na niya kailangan." Pag-singit ko.

Maarte siyang lumingon. Halos naman ata silang lahat. Tsk.

"Ow! And why is that? You are the head chef here and you know what the basic rule in the kitchen is"

Aba, minamaliit ba ako nito? Natural alam ko! Inilaan ko ang ilang taon ko para lang matutunan ang lintek na 'to tapos sa tingin niya na kahit ang simpleng rule na iyan ay hindi ko alam? Aba!

Inis kong tinignan si Jace na ngayo'y nakatingin na sa akin. Isa rin 'to eh.

"Ang hair net ay para sa may buhok. Kita mong kalbo 'yan eh." Saad ko. Pilit ipinapaintindi ang common sense na hindi niya ma-sense.

"What?"

Iyun na ata ang pinaka-maarteng 'what' na narinig ko sa buong buhay ko. Tangina sa kaartehan!

Bago pa man siya may mai-dugtong, ay sinabihan ko na kaagad si Jace, "Pero requirements iyun sa pagluluto, Jace. Kalbo ka man o hindi, hindi iyun excemption." Saad ko na siyang malugod niyang tinugunan. Hindi naman kasi pwedeng palalagpasin ko rin 'yun. May mali rin 'tong isan 'to.

Bumalik naman sa trabaho ang iilan sa kanila pero ang atrimidang Chef Mira ay galit na galit na nakatingin sa akin. Akala naman niya masisindak ako sa mga tingin niyang iyan? Sanay na sanay na ako sa mga ganiyang tingin. Magmula pa kay ate hanggang kay Erin. Sa katagalan nga eh, immune na immune na 'ko.

Ewan ko nga rin ba dito kung bakit ang laki-laki ng galit sa akin. Eh kahit noong unang simula niya pa lang dito ay ako na ang head chef at simula pa man noon ay tinatanaw na niya akong karibal.

Ganoon ata ang simtomas ng pagiging paranoid eh.

"Wala akong utang sa 'yo Chef Mira. Kaya tigil-tigilan mo ako sa mga tingin mo." Kinuha ko ang isang kutsara dahil titikman ko sana iyung niluto ni Sara nang harangan niya ako.

Mas sumama ang mga tingin niyang ibinibigay sa akin.

"You'll gonna pay for this." At nag walk out siyang parang aping api.

Napailing-iling na lamang ako. Mapapatunayan ko ring may sira sa utak ang babaeng iyun. Hindi ko na lamang ito pinansin at kahit ang tawanan ng mga kasamahan ko dahil sa narinig na sinabi ni Mira ay ipinag-sawalang bahala ko na rin.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon