Thirty Fourth Fall
- Finger -
Jantiara Luna’s POV
All I think was Hemera safety as I ran back to the function hall. Isang putok ng baril lang iyun pero labis na ang kaba ko. Lalo pa’t may nakakasalubong pa akong mga tauhan ng hotel na hindi mawari ang mga mukha habang lumalabas sa function hall.
If anything happens to my daughter, I won’t hesitate to make this freaking hotel turn into a grave.
Hindi ko akalaing isang magulong senaryo ang maabutan ko. May ilang nagsisigawan at ang iba’y nakatayo lang do’n habang pinipigilan ang sino mang na sa sentro ng hall.
Agad kong naramdaman ang presensiya ni Enzo sa tabi ko. Sa kabila nang ingay ng mga taong andirito, sinikap ko pa ring i-focus ang sarili sa paghahanap sa anak ko. I let out a sigh as I found her with Jacob and some of my cousins.
Kaagad akong naglakad patungo sa kinatatayuan nila.
“Hemera.” Kaagad kong tawag nang makalapit. Napalingon sa akin ang aking mga kapatid at pinsan. Kaagad naman na akong niyakap ni Hemera.
“Let her out!”
Agad akong bumaling sa nagsisi-sigaw at natigil sa nakita.
“No, please! Not my son!” Siyang iyak ni Zoe. Nakaagapay naman sa kaniya ang pinsan kong si Maurel. Kung papaano siya napunta ro’n? Hindi ko na alam.
Nilibot ko ang paningin at nakita ang mga kaibigan kong na sa likod nina Zoe. Pawang natatakot ang mga mukha.
“I will kill this boy if you wouldn’t let her out!”
Muling sigaw ni Perseus de la Santos sa gitna habang nakatutok ang hawak na baril kay Zero.
Wala sa sarili kong na-ibaba ang anak. Kaagad naman itong hinawakan ni Jacob.
“Did you see Engr. Javier?” Rinig kong tanong ni Enzo sa mga pinsan ko.
Hindi ko alam kung ano ang mga sinagot nito dahil nakatutok lang ang paningin ko sa nababaliw na si Perseus de la Santos.
Maraming nakatutok na baril sa kaniya. Iilan ito sa mga tauhan namin at pati tauhan nang mga iilang pamilya na bisita namin.
Mas diniin niya pa ang baril sa kokote ng umiiyak na si Zero, na siyang nagpakaba sa lahat.
“Bigla na lamang siyang pumasok kanina at nagpaputok. Saka niya kinuha ang anak ng kaibigan mo.” Emma said.
Ramdam ko ang paningin ng mga pinsan ko sa akin pero hindi ko sila magawang lingunin.
Namumuyos ang kalooban ko sa ginagawa niya. I didn’t expected him to stoop down this low and do some stupid thing like … party crashing? Where the fuck is his class? Diba na sa Japan ang lalaking ito?
Umingay ang sa kaliwang parte ng hall na siyang ipinagtaka ko. May nagaganap din na komosyon.
“The ambulance will be here in a minute.”
Napalingon ako sa kapatid kong si Jovril sa naging turan nito.
“Ambulance?” Nagtataka kong tanong.
“He shoot Thomas Maranzano as he entered the hall earlier. He’s bleeding a lot.”
What? Iyun ang putok na narinig ko?
Hindi maari! Babangon ang demonyong si Michael Maranzano kapag narinig niyang napabayaan ko ang anak niya! We wouldn’t want to loose any ally this moment!
BINABASA MO ANG
When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]
Novela JuvenilNOTE: Read first the Book 1 entitled: When Venice Falls ********* Venice, once a perfect student, vanished under mysterious circumstances, leaving her loved ones in despair. When darkness envelops the world, a new force rises from the shadows. This...
![When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]](https://img.wattpad.com/cover/174981601-64-k701300.jpg)