Ninth Fall
-Mishaps-Chelsea’s POV
I didn’t looked away not until she rode on that motorcycle and went on her way. Iniwan kaming hindi makapaniwala sa huli niyang sinabi.
“I’m Jantiara Luna Crest, by the way.”
Nagkamali lang ako nang dinig di’ba? Ayaw kong maniwala sa mga nangyari ngayon ngayon lang, pero totoo siya eh. Nandito siya at buhay n-a buhay. How did this all happened?
Napalingon ako kay Erin nang marinig ang pagsinghot nito. Kung may ilaw lang dito ay makikita ko na ang pagpula ng ilong niya. I hold her hand. Making her know that we are feeling the same.“I can’t believe it. S-She’s alive.”
Oo, E. I knew that. I felt that. But when we saw her earlier, it felt surreal. So much real that it felt unreal.
Sa isip-isip ko habang niyayakap si Erin na tuluyang humagulgol. I want to cry too. But I can’t. I don’t know where my tears are now. Ilang sandali pa ang ipinamalagi namin doon, hinihintay ang paghupa ng mga luha ni Erin. Pinakiramdaman ko naman si CJ na tahimik lang sa may gilid.
“Let’s uwi na? Eris may be finding me na.”
I nod at what Erin said. Kanina ko na ring gustong umuwi at magpahinga. Hindi ata ang mataas na linya ng graduation rite ko ang nakapagod sa akin ngayong araw. Kung hindi ay ang pagkakita namin sa dating kaibigan. Kay Ven --- Jantiara.
I don’t know what I should call her now? Is it still Venice? But, no. She’s isn’t Venice. Naninibago pa rin ang bibig ko sa pangalang Jantiara. I still didn’t expected it though, that she is Tita Jarriza’s long lost daughter.
That does mean that she’s sister with Jacob? And Emma’s cousin? Damn, nawawala ang katinuan ko sa mga iniisip. Of course, Che. She is.
Ako na ang nagmaneho pa-uwi. Hindi rin naman din nag-ayang mag-drive si CJ kaya ako na lamang. Saka pa, masiyado siyang tahimik ngayon na natatakot akong kinikimkim niya lang ang nararamdaman sa gabing ito.
Nang makarating sa bahay ay pansin ko na ang katahimikang bumabalot dito.“Tapos na?” pagtataka ko. Kinausap ang sarili. It is still quarter to eleven in the evening. Baka nga tapos na? I checked my phone and saw the last message that I received from kuya Tyron.
“Don’t go home yet.”
“You received a message from kuya?” Tanong ko kay CJ.
Umiling ito, “Low battery ako kanina pa.”
“Why are we just standing here? Pumasok na tayo!” Giit ni Erin nang makitang nakatayo lang kami ni CJ sa labas. Hindi ko alam kung bakit napatingin ako sa kabuuan ng bahay namin.
There’s something wrong here. Bakit ako hindi pauuwiin ni kuya?
Kahit nagtataka man ay pumasok pa rin kami at pawang hindi nakapaghanda sa nadatnan.
Nakagapos sina Zoe, Duke, Kuya Tyler at Kuya Tyron sa isa’t-isa, paikot ang ginawang pagkagapos sa kanila at pawang may tape sa mga bibig nito. Ang kaningang maingay na party ay parang dinaanan ng unos sa gulong gulong mga gamit sa sala at may iilang nabasag pa.
“Kuya!”
“Ate!
“Hon!”
Impit ang mga ingay na ginawa nila. Ang mga mata ay may gustong sabihin pero hindi ko magawang intindihin. Anong nangyari dito?
Umalis lang naman kami saglit at eto na ang mararatnan namin?
Bago pa man kami makaalis sa kinatatayuan ay iilang bulto ng mga lalaki ang lumitaw sa bawat sulok ng bahay namin.
Agad kong hinawakan ang kamay ni Erin. Ramdam ko naman ang pagdikit ni CJ sa akin. What the hell is happening?

BINABASA MO ANG
When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]
Teen FictionNOTE: Read first the Book 1 entitled: When Venice Falls ********* Venice, once a perfect student, vanished under mysterious circumstances, leaving her loved ones in despair. When darkness envelops the world, a new force rises from the shadows. This...