Twenty Seventh Fall

58 4 0
                                    


Twenty Seventh Fall

- Baby-


Jantiara Luna's POV


Hindi nawala ang inis ko ng umagang iyun. Mula sa hapag habang kumakain ng agahan, walang nangunang kuma-usap sa akin. Pwera na lamang noong sinabihan ako ni Jacob na may lakad kaming tatlo ni Jovril kasama sina Tita Magenta.

Hindi ko na nagawang magtanong pa kung saan. The Senyor and Lolo Laffonzo along with my other two Uncles and with Mommy, went to the Organization. For sure gagawa na naman ng check up ang Senyor sa mga trainess namin doon.

Eziah's busy with our business. Buti naman at kasama niya si Maurel para mangalaga rito.

Napatingin ako kay Emma na nasa sala kasama si Draqoe. Kakatapos ko lang magbihis at sila kaagad ang nadatnan ko roon. May sinasabi ang lalaki rito. Parehas na focus sa kung ano mang ginagawa nila sa laptop.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon ng mga ito. Agad naman silang nag-angat ng ulo. I raised an eyebrow to them.

"I am just showing Lady Laxine how our monitoring works, Monarque." Pagtutukoy ni Draqoe sa software na ginawa niya. Ito ang ginagamit niya para i-monitor ang ginagawa nina Osha at Orman sa loob ng Viktroune Clan.

Tumango naman ako. Hindi na lamang ako nagsalita pa, pero alam kong pansin ni Emma ang panunuya sa mga tingin ko. Ang lapit lapit kasi nilang dalawa na kung hindi ko sila kilala, ay magkakaroon ako ng masamang ideya ukol sa kanila.

Draqoe's attention drifted from me to his laptop. While Emma's busy rolling an eyes at me.

"Take care of Hemera, Laxine. Don't just sit there and flirt with someone."

Agad kong tinignan ang pinanggalingan ng boses na iyun pero ang likod ng kapatid kong si Jovril na lamang ang nakita ko. I heard Draqoe chuckle. Muli akong napatingin sa kanila, kita na ang busangot sa mukha ni Emma.

"Tsk! Ang laki talaga ng sira sa utak ng batang iyun! How could he think of me like that? And he didn't even called me ate Laxine? Gosh! Keep an eye to your little brother, ate Luna. Baka sa C's Limelight pa maghasik ng pagiging snob 'yun."

Napailing-iling na lamang ako. That's the typical Emma and Jovril at this house.

Nang makalabas ng bahay, kaagad kong naabutan ang pag-uusap ng pamilya ko.

Pasakay na si Tita Magenta sa sasakyan ni Maurel nang may binilin pa ito kay Jacob.

"Are you sure we need to convoy? We can fit in the van, Jacob." Saad ni Tita.

Tita has a point. Kaya nagtaka nga ako nang makitang may dalawang nakaparadang sasakyan sa labas ng pintuan.

"May pinapagawa ang Senyor sa aming tatlo, Tita. We could do that after we finished at C's Limelight." Saad ni Jacob.

"Okay, then."

Kunot ang noo ko habang papasok sa sasakyan ni Jacob. Jacob's driving, I am on the shotgun while Jovril's busy on his phone at the back.

Wala kaming pinag-usapan magmula nang makaalis sa manyson. Wala naman kasing matabil ang dila sa aming tatlo.

Pwera na lang talaga kapag ako ang kasama ng dalawang ito kaya minsan, kumakati rin ang mga dila nila at nagagawa akong kausapin.

"I already sent a message to the Maranzano, ate. I'm still waiting for their response." Saad ni Jovril na nasa cellphone na hawak parin ang tingin.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon