Fourth Fall
-Claw-
Chelsea's POV
Tingin sa taas, sa kanan, kaliwa at ibaba. Ano ba ang dapat gagawin kapag tapos na and thesis defense? Dahil sa sitwasyon ko ngayon, gusto kong maiyak! Damn! For five years na pag-aaral sa kursong ito,it wasn't that easy to be here!
"Saan tayo mamaya?"
Napalingon ako sa ka-team mate kong si Massie.
"Kayo? Saan ba? Okay lang ba kung dadalhin ko ang girlfriend ko kung sakaling matutuloy?" Tanong ni Miro.
Tatlo lang kami sa thesis namin and these two gives a lot of help in times I needed it.
"Oo naman. Eh ikaw Chelsea?"
Napa-isip pa ako kung may gagawin ba ako mamaya o wala. Sa pagkakaalam ko wala naman na akong kailangang gawin. At saka, this is my day! We defended our thesis and we should enjoy our selves!
"I'm free!"
"Yes! Mamayang 8 sa Demeters Bar! Okay?"
Bago pa man ako maka-react sa sinabi niya ay umalis na sila ni Miro sa room. Demeter's Bar? It's been 6 years since I last stepped on that Bar. Ilang months ang ginawang renovation sa Bar matapos ang nangyaring pamamaril noon.
Ang tanong, papayagan kaya ako nina kuya na pumunta muli roon?
Pag-uwi ko ng bahay, sila agad ang hinanap ko. Nang magtanong sa mga kasambahay namin, nalaman kong hindi raw makakauwi sina kuya Tyler at Dad dahil may business trip sa Cebu. Si kuya Tyron naman, madalang na lang umuwi dito sa mansyon magmula noong nagkaroon siya ng sariling Bar na mina-manage.
Eh kung ayain ko kaya sila Massie na sa Bar na lang ni kuya? At least doon, mapapanatag ako. I called Massie about my idea and good thing, sumang-ayon siya. Nakalimutan kong may crush nga pala siya sa kapatid kong iyun.
I hope, doon rin ang punta nina Erin mamaya. Since nang-aya ito kaninang umaga sa akin.
I changed clothes at kumain muna bago pumaroon. I brought my own Chevrolet with me. Minsan ko na lamang ginagamit ito at ang minsang iyun ay sa mga panahong wala si kuya Tyler sa bahay.
I drove myself to Blacksheep's Bar. Iyan ang pangalan ng Bar ni kuya Tyron at wala na akong balak alamin kung bakit iyun ang ginamit niya.
Pagkapark ko pa lang ng sasakyan ay dinig na dinig ko na ang ingay sa loob ng bar. It's been two years since kuya opened this Bar to everyone, and ever since, marami na talagang dumadayo dito. Given his connections and kuya Tyler's friends of friends, gabi gabing puno ito.
"Che!" Ang tawag ni Zoe na iyun ang nagpatigil sa akin.
I smiled when I saw her.
"Zoe!"
She hugged me tight, "Akala ko hindi ka sisipot? Iyun ang sinabi ni CJ eh."
"Nag-aya ang mga kasamahan ko sa thesis, magsasaya raw sila ngayon. Ako nag-suggest na dito na lamang kami."
Inaya ko siyang pumasok na nang makitang mas dumami pa ang dumarating. Nalaman kong they occupied one VIP room upstairs. On the other hand, Massie texted me na mali-late raw sila. That's why I decided na puntahan muna ang mga kaibigan. Zoe and I entered the room witnessing how silenced the room is.
"Hell – oh! What's happening guys?" Bungad ni Zoe.
Nasa kaliwang couch naka-upo sina CJ at Erin habang nasa kabilang couch naman sina Duke at Kuya Tyron.

BINABASA MO ANG
When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]
Teen FictionNOTE: Read first the Book 1 entitled: When Venice Falls ********* Venice, once a perfect student, vanished under mysterious circumstances, leaving her loved ones in despair. When darkness envelops the world, a new force rises from the shadows. This...