Twenty Third Fall

61 5 0
                                    

Twenty Third Fall

-Plan-


Third Person's POV

Snakes are vicious and cunning. Maybe every human being knows that. But for Jantiara Luna, she finds them pretty and unique. These species had already the norm of being that dangerous when encountered but not all of them are venomous. Pero sa tingin niya ay masiyado lang hinuhusgahan ng mga tao ang kabuuan ng lahi nila. May iba kasi na pwedeng mapaamo at maging kaibigan.

Marahang hinihimas ni Jantiara ang ulo ng alagang ahas na nakapalibot ang kalahati ng katawan sa kabuuan ng kaliwang braso niya.

If the Senyor took care of a lion on the main floor of the Lion's Lare Organization, kabilang naman ang paborito niyang alagang ahas sa mga inaalagaan ng organisasyon sa mga hayop na napaparoon sa ika-apat na palapag ng underground floors ng building.

Habang hinihimas niya ang alaga ay hindi mawala sa isipan niya ang naging usapan nila ng anak noong sinundo niya ito sa eskwelahan, hapon ng araw na iyun. Iyung araw na pumunta ang mga dating kaibigan sa mansyon nila. Ang araw na nalaman niyang anak ng pinsang si Maurel ang anak ni Zoe.

Habang nasa sasakyan papauwi ay hindi mapigilan ni Jantiara na mapalingon sa anak.

"Chto eto, mama? (What is it, Mama?)" Tanong ni Hemera gamit ang kanilang lengwahe nang mapansin ang titig ng ina.

Hindi niya mapigilang tanungin ang anak ng pagkakataon na iyun. Magmula kasi nung sabihin ni Zoe sa kaniya ang mga katagang iyun, napapatanong siya sa sarili kung tama pa ba ang ginagawa niya kung patungkol sa karapatan ng anak.

"Am I being selfish?"

Ang tanong na iyan ng ina ang nagpalingon kay Hemera.

"Chto? (What?)" nagtatakang saad ni Hemera.

"You never asked me about your Dad."

Kita ni Jantiara kung papaano inalis ng anak ang tingin sa kaniya at nagbuntong hininga.

"Why, baby? I guess you are waiting for me to tell you anything about him?" Tanong pa ni Jantiara na hindi naman sinagot ni Hemera.

Nakatitig lang ito sa harapan at parang binge na hindi naririnig ang sinasabi ng ina. Jantiara sighed.

"I can't tell you about him because ... It's hard for me to tell you about the ma ---"

"Tam net neobkhodimosti. (There's no need to.)"

Natigil si Jantiara sa sasabihin nang marinig ang sinabi ni Hemera. Tumingin sa kaniya ang anak at sa hindi malamang dahilan ay naawa siya kung gaano ka-tigas ang ekspresyon ng anak.

She wants her to be like that. Stern and cold. Pero kakaiba pala talaga ang dating nito kapag personal na buhay na nila ang pinag-uusapan at iyun pa rin ang ekspresyon na kayang ibigay sa kaniya ng anak.

"I lived my life without him, Mama. We lived without him. What's another six years and another more and more without him, right?"

Hindi nakasagot si Jantiara sa sinabi nito. Ang akala niya ay may hinanakit ito sa kaniya dahil kailanman ay hindi nito sinabi sa kaniya ang tungkol sa ama.

"But someone told me that it was your right to know about him." Jantiara said, almost a whisper.

Hemera sighed. She even rest her back on the car's sear and closed her eyes, "And it was also my right to choose what is right for me and for everyone. I choose not to know anything about him, Mama. I choose not to."

Gusto man niyang tanungin kung bakit ang anak, pero parang na-pipi siya kung gaano ka-lalim mag-isip ang anak. Hindi niya akalaing ganoon na pala ang iniisip nito tungkol sa ama.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon