Fifth Fall
-Venice-
Chelsea's POV
"Nasaan si Venice?"
I was stunned for a moment. Parang napako ang mga paa ko sa semento. Gusto kong magsalita pero inuunahan ng mabibilis na tibok ng puso ko ang takbo ng pag-iisip ko. Pilit pino-proseso ng isipan ang narinig. Pekeng natawa naman si Marco.
"D-Dude. Kung nagjojoke ka, sasabihin ko na sa 'yo, hindi benta."
Pero hindi napabago nito ang ekspresyon ni kuya. Doon niya lang ata natanto na hindi ito nagbibiro. Nawala ang mga ngiti sa mukha ng nobyo ko.
"Seryoso ka?" Muli niyang tanong dito.
"K-Kuya." Pagkukuha ko ng atensyon niya. Doon ko pa lang nakuha ang mga boses na pilit kong inaaninag kanina. Liningon niya ako pero seryoso pa rin ang tingin niya.
Ano bang klaseng tanong 'yan?
Iyan ang gusto kong itanong pero bakit hindi ko magawa?
"H-Hoy unggoy!" Dama ko ang kaba sa boses na iyun ni CJ. "Hindi uso ang joke ngayon! Sabihin mo na lamang sa amin kung ano na'ng pakiramdam mo."
"Nasaan siya?" Muli niyang tanong.
"P-Pwede ba unggoy! Alam mo kung nasaan siya, ano bang klaseng tanong 'yan? Patay na ang tao! Ano? Na-meet mo ang kaluluwa niya? At pinilit kang ibinalik dito? Tsk." Ramdam ko ang inis ni CJ. Hindi na niya at kakayanin kung ipagpipilitan pa ni kuya ang katanungan niya. Kaya pinilit kong kunin ang atensyon ni kuya.
"Kuya."
Pero hindi niya ako pinansin at inilibot ang paningin sa loob ng silid na para ba'ng may hinahanap.
"Kuya, sino bang hinahanap mo?"
"Si Venice."
Hindi ko akaling iyun pa rin ang sasabihin niya.
Naramdaman ko ang biglaang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan. At alam kong ganoon din ang nararamdaman ng mga kaibigan namin.
"Tyron, this is not the time to joke. Kumusta ang lagay mo?" Tanong ni Zoe.
Pumikit si kuya ng ilang saglit bago muli kaming tinignan. Alam niya sigurong hindi naming bibilhin ang kahit anong tanong niya.
"O-Okay lang naman. Masakit pa rin. Sorry sa naging tanong ko."
Natahimik kami sa isinagot niya. Hindi ko nagawang tanungin pa siya ng mismong ipikit niya na ang mga mata at tuluyang natulog. Naiwan kaming nagtatanong sa mga isipan namin. Naging tahimik ang mga sandali sa pagitan naming lahat.
Dahil aaminin ko para sa amin, hindi ko mawari ang naramdaman kanina nang tanungin niya kung nasaan si Venice. Damn, he knows what happened at alam niya kung nasaan na ito ngayon, why asked?
Hindi ko namalayang nakatulog ako sa gitna ng pag-iisip. Namulat na lamang akong katabi si Zero na kandong ang ulo ng natutulog na si Eris. I looked at the time and saw that it was five in the afternoon na pala. Napansin ko sina Erin at Duke na nasa kabilang silya at magkayakap na animo'y tulog pero kita ko ang paggalaw ng mga talukap ng mga mata nilang dalawa. Pansin ko rin na ganoon rin ang ginagawa nina Zoe at CJ sa kabilang silya.
Kumunot ang noo ko nang makitang kausap ni Marco si Kuya Tyron. Mahina ang boses nilang dalawa pero dahil sa katahimikan ay alam kong naririnig nilang lahat. Hindi nila ata napansin ang paggising ko.
BINABASA MO ANG
When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]
Teen FictionNOTE: Read first the Book 1 entitled: When Venice Falls ********* Venice, once a perfect student, vanished under mysterious circumstances, leaving her loved ones in despair. When darkness envelops the world, a new force rises from the shadows. This...