Thirteenth Fall

55 5 0
                                    

Thirteenth Fall

-Rexudos Hades-

Chelsea's POV

Hindi naging madali sa akin ang nagdaang segundo at minuto. Tinitignan kung may mensahe na bang galing kay Jaguar pero kahit alas sais na ng gabi ay wala pa rin akong natatanggap na balita mula rito.

"It's almost six. Wala pa rin ba tayong gagawin?" Dinig kong saad ni kuya Tyler. He's been insisting every minute na kami na mismo ang maghanap nang posibleng pagdalhan nina Claw nang mga mahal namin sa buhay. But we decline. Hindi niya kilala si Claw, that dumbass is sick and can do anything to us if we don't think first on what we must do.

"Kung nagbigay na sana ang mga kidnapper ng location nila ay sana nasabihan ko na ang mga kakilala ko."

Hindi ko mapigilang hindi mapa-ismid sa narinig na iyun mula kay Benrad. How is he still here? He isn't part of this group ever since. Nandito lang naman siya dahil nobya niya si Zoe.

I look at CJ na kagigising lang ilang minuto na ang nakalilipas. She bombarded us with questions about what happened. Si kuya Tyron naman ang sumagot sa lahat nang katanungan niya.

"Magawa lang talagang saktan ni Claw kung sino man sa kanila ay talagang makikita niya ang hinahanp niya."

Saad ni CJ na nagpatahimik sa diskusyon nina kuya Tyler at Benrad.

Napa-iwas ako nang tingin nang magtama ang mata namin ni Erin. Kanina pang nangungusap ang mga mata niya, nagsasabing humingi na nang tulong kay Ven --- Jantiara pero ayoko. Hindi sa ganitong pagkakataon.

Mula sa malalim na pag-iisip ay napaigtad ako nang makatanggap ako nang mensahe galing kay Jaguar.

Police Station 3, now.

- J.

"N-Nasa police station sila." I bluntly said without thinking.

"What?"

"Sino'ng nasa police station?"

"Princess, what are you talking about?"

"Sina Dad, kuya. They are at the police station."

Matapos kung sabihin iyun ay kaagad na nagsitayuan ang mga kaibigan ko at nag-uunahang lumabas ng silid. Iniwan naman namin si kuya Tyron upang magbantay kay CJ.

Nasa iisang van kaming lahat pwera na lamang nina Zoe at Benrad na may sariling sasakyan. It was Duke who is driving the car at mabilis ang pagpapatakbo nito. Nasa unahang bahagi ng upuan naman sina kuya Tyler at Erin. Hindi na namin nagawang isama si Eris dahil delikado. She's at the hospital room with CJ as well.

Pumuwesto naman ako sa likurang bahagi. Palayo sa mga magiging katanungan nila.

"Saang police station, Chelsea?" Dinig kong tanong ni Duke.

"Police Station 3."

Ilang segundong natahimik sa loob ng sasakyan. Dahil nang malapit na kami sa paroroonan, ay nagawa pang magtanong ni kuya Tyler sa akin.

"Who told you that they are here, princess?"

Binigyan ko lang siya ng isang tingin bago naunang lumabas ng sasakyan kahit kakaparada pa lang ni Duke rito.

Agad naman bumaba sa sasakyan nila si Zoe nang makarating sila. Sabay kaming pumasok sa istasyon at sa labas pa lang ay makikita na namin sina Marco, Dad at Zero na nakaupo sa silya habang tinatanong nang mga pulis.

Nang makita nila kami ay kaagad na tumakbo papalapit si Zero sa ina. Doon ko lang nakita kung papaano umiyak nang umiyak si Zero. Naging focus ang mata ko sa reaksyon ni Zero kaya hindi ko man lang nagawang ihanda ang sarili sa yakap ni Marco.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon