Twentieth Fall

52 4 0
                                    

Twentieth Fall

-Truth-


Third Person's POV

Six years ago, Jantiara can't even afford to hear any news regarding about her friends. Kahit kasi alam niyang ang laki rin ng kasalanang nagawa niya sa mga ito, mas nangingibabaw pa rin ang pait nang pinagdaraanan niya noon.

The moment that she was hit by that bullet and wake up in the morgue, she knew by then of what are the things that she must do to protect the people she loved while accepting the identity that was took from her by the De la Santos.

Sinigurado niyang hinding-hindi siya lalapit sa mga ito kapag babalik siya sa pilipinas. Pero may katiting sa kaniya na alam niyang ipagtatagpo at ipagtatagpo pa rin sila ng tadhana. Because fate always love doing it. It always meddled into human life and shit the happiness out of them.

But she promised herself not to get closed with them anymore, kahit na nagpasiyahan niyang bigyan ng imbistasyon ang mga ito sa darating na party. She promised, but sayings are true, promises are meant to be broken.

Nang makapasok sila sa gate ng mansyon nila hindi niya maiwasang tignan ang nakasunod na isang van at isang Montero sport. Inutusan niya ang driver na sabihan ang front guard na huwag pigilan ang dalawang sasakyan na nakasunod sa kanila.

Lahat ng mansyon ng mga Crest ay mahigpit ang mga bantay at walang pinagkaiba ang mansyon nila rito sa pilipinas. Kaya kinailangan niyang manduhan ang mga ito na hindi na kailangan pang suriin ang sakay ng dalawang sasakyan.

Nang tuluyang makapasok sa kabuuan ng mansyon ng mga Crest, hindi mapigilang mapahanga ng mga magkakaibigan dahil sa lawak at mga antigong scripture na nasa bakuran ng mansyon. Hindi naman nila mapigilang hindi mapansin ang nagkalat na mga armadong lalaki sa bawat sulok ng bakurang iyun.

May ibang mukhang pinoy, may iba namang kulay pa lang ng kutis nito ay alam mo ng dayuhan ito, at sa tansya ni Chelsea, ito ay iilan lamang sa mga tauhan nila sa Russia.

Sakay ng iisang van sina Chelsea,Marco, Tyron, CJ at Zoe. Habang nasa iisang sasakyan naman sina Erin at Duke.

"I still can't believe that Venice is rich as hell!" Hindi mapiligang bulalas ni Zoe habang nakatingin lang sa labas ng bintana at nilibot ang paningin sa bakuran ng mansyon. Mula kasi sa gate ay malayo pa ang mismo ang bahay ng mga Crest.

"Huwag na huwag mo siyang tatawaging ganiyan ate. Baka nakakalimutan mong hindi kayo bati." Saad ni CJ dito.

Inirapan naman siya ni Zoe, "Bakit? Kayo bati na rin ba?"

"Hindi naman siguro tayo isasama ni Ven --- Luna kung hindi na siya galit sa atin?" Si Chelsea ang sumagot dito. Kahit siya ay napapatanong din.

Hindi naging madali ang pag-amin nila sa katotohanan tungkol kay Jantiara Luna sa mga lalaking kaibigan. Nandoon na rin kasi ang iilang mga katanungan na kahit sila ay hindi rin alam ang sagot.

"Hindi ko pa rin maiwasang matawag siyang Venice. Nakasanayan eh." Saad naman ni Marco.

"Ganito ba kalawak ang mansyon nila sa Russia, Kate?" Tanong ni Tyron.

Umiling naman si Chelsea rito, pilit inaalala ang nasaksihan niya ilang taon na ang nakakaraan, "Hindi. Mas malaki iyun and to think na Manor lang iyun, ano pa kaya kung iyung Mansyon na talaga nila diba?"

Nang makitang huminto ang sinasakyang van ni Jantiara ay natahimik sila.

"Nandito na ata tayo." Ani ni Marco.

"Mansyon ba 'to o isang kastila?" Saad ni CJ nang tuluyang matunghayan ang kabuuan ng bahay.

Tuluyan silang bumaba nang makitang bumaba na rin sa sasakyan si Jantiara. Napalingon naman sila nang marinig ang pagbaba nila Erin at Duke. Agad na kumapit si Erin kay CJ na hindi maalis-alis ang ngiti sa labi.

When Luna Falls [ Fall Trilogy: Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon