---
Sabi nila, pagdating sa love, age, weight and height doesn't matter.. Eh ang looks kaya doesn't matter din? Sabi rin nila bad boys falls for good girls tapos good girls falls inlove with bad boys.. I don't think so... bakit ako? Good girl pero ayoko sa mga bad boys. Hindi ko ma-imagine na ako, maiinlove sa mga yun.. At mas hindi ko naman ma-imagine na sila magkakagusto sakin.. pati ata mga good boys hindi magkakagusto sakin.. Hays! Sige na nga! Ako na panget! Ako nga pala si Julie Anne San Jose. Okay lang kung ano gusto niyo itawag sakin.. sanay na naman ako eh.. Ang dami kayang tawag sakin, panget, nerd, bruha, mangkukulam at iba pa.. Well minsan old lady pa nga eh.. Hindi naman sa mukha akong matanda, sadyang old fashioned lang talaga ako.. yung mga paldang hanggang talampakan.. yung full bangs, yung malaki at makapal na salamin, yung makapal na kilay, yung buhaghag na buhok.. Idagdag mo pa ang mga librong lagi kong bitbit at dala-dala. Library din ang nakasanayan kong tambayan.. Syempre nerd nga naman diba.. 4th year na ako..isang taon na lang ang titiisin ko at matatapos na ang high school life ko.. sabi nila unforgettable at masaya ang highschool life.. Bakit di ko ramdam yun? Bayaan niyo na nga.. Tahimik naman buhay ko eh.. Hanggang sa.."What the?! Ano ba?!" Ohmygosh! May natapunan ako ng juice sa kakaisip ko.. Yeah. Bigla akong nabangga sa isang upuan sa kakaisip ko. Ano ba yan!
"Ay sorry! Sorry! Di ko naman sadya eh." Dali-dali kong pinunasan ang damit ng lalaking nabuhusan ko..
"Wala ng magagawa ang sorry mo! Nakasalamin ka na nga di mo pa ako nakikita! Alis nga diyan!" Ang sungit naman neto! Ang harsh mag salita! Nag sosorry na nga eh!
"Sorry na nga eh. Ang yabang mo naman!"
"IKAW! Akala mo kung sino ka ah? Di mo ba ako kilala?!"
"Syempre kilala kita! Ikaw si Elmo Magalona ang pinaka mayabang, pinaka masamang estudyante at pinakababaero dito sa campus!" Napatakip ako sa bibig ko.. Oops! Di ko yun sadya. Gaga ka talaga Julie Anne! Bakit ba yun ang nasabi ko?! For sire trouble 'to!
"ANONG SINABI MO?!" bigla siyang nagtransform na parang dragon grabe nakakatakot!
"W..wala! Pasensya na sabi ko!" Dali-dali aking naglakad palabas ng canteen nang tinawag niya ulit ako..
"Hoy! Old fashioned lady! Hindi pa ako tapos sa iyo! Humanda ka sakin!" Hala! Ano ba naman yan! First day na first day ganito nangyari sakin. Nag tuloy- tuloy na lang ako sa paglakad. Grabe siyang makapag pahiya. Pinagtatawanan at pinagbubulungan tuloy ako ngayon! Huhuhuhu.
Siya nga pala si Elmo Magalona.. siya ang pinaka sa lahat.. tulad ng sabi ko kanina, siya ang pinaka mayabang, masama at babaero sa lahat! Feeling gwapo naman kala mo kung sino! Well may itsura naman siya.. Pero bad boy siya! Ayoko sakanya! Bwisit na halimaw! Akala naman niya papatalo ako sakanya! No way! Over my dead gorgeous body! Kahit na ganito kakapal ang kilay ko, di ko siya uurungan noh! Hmmp!
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanfictionJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...