Chapter Twenty Nine

1K 36 0
                                        

"Gerald! Guia! Kamusta na?" Bati ni Daddy sa mga bisita namin na ngayon ay titira muna sa amin para sa pasko.

Kaagad akong lumapit sakanila at nagmano.

"Ito na ba ang anak mo, Jonathan? Kay gandang dalaga ah?" Natutuwang sambit ni Tito Gerald.

Si Tita Guia at mommy naman ay ngumingiti lang.

"Aba'y oo naman! Saan pa ba magmamana kundi sa magulang!" Proud na sambit ni Daddy.

Humalakhak silang dalawa at nagpatuloy sa paguusap.

"Nasaan na ang mga anak mo pare?" Tanong ni Daddy kay Tito Gerald.

"Ang binata ko at ang bunso ay may pinuntahan lang. Nagpabili na rin ako ng mga regalo para sa pasko. Susunod din ang dalawang 'yon." Sambit ni Tito.

"Sa katunayan ay di ko na mahintay na magkita ang binata mo at ang dalaga ko. Paniguradong babagay silang dalawa." Sambit ni daddy na kaagad sinangayunan nina tita at tito.

Si mommy naman ay hinawakan ang braso ni Daddy ng mahigpit ngunit balewala lang iyon para kay Daddy.

Naikwento ko kay mommy ang lahat about sa relasyon namin ni Elmo. At masaya ako kahit paano ay boto sa amin ang aming mga ina.

"Ay oo naman! Satingin ko ay bagay na bagay nga silang dalawa. Baka nga sila pa ang magkatuluyan diba? Malay natin." Sambit ni Tito Gerald.

Kumunot naman ang noo ko at di na napigilang mag salita.

"Mawalang galang na po. Pero meron na ho kasi akong kasintahan." may galang kong sambit.

Napatingin silang lahat sa akin at nakita ko ang medyo pagkunit ng noo ni Daddy at ni Tito.

Ngunit ilang sandali pa ay humalakhak si Tito.
"Mga bata pa kayo iha, at di niyo pa alam kung kayo nga ang magkakatuluyan ng kasintahan mo ngayon. Atska, di mo pa naman nakikilala ang anak ko. Baka kapag nakilala mo siya ay mag bago ang isip mo." Sabi ni Tito.

Naginit ang ulo ko kaya pinakalma ko muna ang sarili ko. Nakita kong tumango tango si Tita at si Daddy samantalang nasa akin ang tuon ni mommy na mukhang nagaalala.

"Ayan nga rin ang sabi ko sakanya pare." Sabi ni Daddy.

"Uhmm Dad, akyat lang muna po mako. May usapan po kasi kami ni Maqui na maguusap ngayon." Paalam ko sakanya.

Pinayagan niya ako at tumingin muna ako kina tito at tita na tumango. Tinignan ko rin si mommy na nag aalala pa rin hanggang ngayon sa akin.

"Sige. Tatawagan ka nalang namin pagkadating ng dalawang anak ng tito mo para makakain." Sagot ni Dad.

Tumango ako at tumalikod para umakyat na ng hagdan. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay sinara ko ang pintuan at binagsak ko ang aking sarili sa aking kama.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinatunog ang record ni Elmo na kanta kagabi bago ako matulog.

I have to admit that it somehow relaxes my soul. Hinawakan ko ang pendant ng kwintas ko habang pinapakinggan ang kanyang boses.

Kung sana ay matapos na ang lahat ng ito at new year na. I really should tell him this one. I just couldn't for now, at baka lumipad iyon kaagad pabalik dito. It's Christmas for pete's sake!

Sa pakikinig ko sakanyang boses ay di ko namalayang nakatulugan ko na pala ito.

"Julie? Julie Anne, princess?" Nagising ako sa katok na nanggaling sa aking pintuan at ang boses ni mommy sa likod nito.

That Day When Our Hearts MetMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon