"Mag ingat ka dun ah? Wag kang mambababae!" Banta ko sakanya habang yakap yakap ko siya.
This would actually be the first time na magkakahiwalay kami since that day na sinagot ko siya.
Humalakhak siya at tumango.
"Ikaw lang naman ang babae ko eh." Sabi niya sabay halik sa noo ko.
It's the 23rd day of December. Huli siyang magt-travel papuntang states. Imbes na sumama siya sa pamilya niya noong 20, ay nagpabook siya ng flight ngayon.
Bukas naman, ang dating nina Mommy from abroad. Sina Aina at rachelle ay umuwi na kahapon sakanila sa mga probinsya. While Sab and Maqui will stay with me til tomorrow, tutal sa manila lang rin sila. Isa na rin kasi sa mga request ni Elmo.
"Osya Elmo! Tama na yan!" Singit ni Maqui na nasa likod namin kasama sina Charles, Jasper at Sab.
"Yung sapatos ko bro ah!" Paalala ni Charles.
"Ako yung, pabango ko at lotion!" Sambit naman ni Jasper. Kunot noo ko siyang tinignan.
Pati ba naman lotion?
"Arte mo ugok!" Sambit ni Elmo.
"Ako Elmo, di na ako mahihiya. Chocolates ha? Damihan mo!" Sambit ni Sab.
Natatawa na lang ako sa mga bilin nila.
"Basta Elmo, yung bag ko ah? Alam mona yung brand. Gusto ko kulay beige. Okay?" Paalala ni Maqui.
Natawa naman si Elmo at tumango. Bumaling siya sa akin at nagtaas ng kilay.
"Now, my queen's turn. What do you want?" Malambing na tanong niya sa akin.
"Basta safe ka lang na makauwi, okay na." Sabi ko saka ngiti sakanya.
"Awtssuuu! Si Hulyeta naglalambing nanaman! Ayaw ka lang niyan paalisin Elmo!" Bulalas ni Maqui.
Humalakhak si Elmo at nailing.
"Ayaw ko rin naman siyang iwan dito Maq." Sambit ni Elmo.
Bumaling ulit siya sa akin at ngumiti.
"Don't worry. I'll be back safe." Sabi niya sabay halik sa noo ko.
May kinuha rin siya sa bulsa niya. Kahon iyon na kulay kahel. Binuksan niya iyon at tumambad sa akin ang isang diamond eternity necklace.
"Merry Christmas, Queen." Sambit niya habang kinakalas iyon at unti-unting inilagay sa leeg ko.
"King...this is so beautiful." sabi ko saka humarap sakanya.
Ang ganda talaga!
"Wala ako sa pasko kaya naisip kong ngayon ko na lang ito ibibigay." Tumingin ako sa mga mata niya.
"Wala pa akong regalo sayo..." sambit ko sakanya.
"I don't need one. Just you, when I came back." Sabi niya saka na ako niyakap.
Bumitaw ako nang narinig ko ang pagtawag para sa flight niya.
"Mag ingat ka dun ha? Call me when you get there." Sambit ko sakanya tumabgo naman siya at bumaling sa iba.
"Ingatan niyo 'to ah?" Sambit niya sabay akbay sa akin.
"Sige bro! Walang makakalapit na lalaki diyan!" Ani Charles.
"Sige, punta ka na dun. Kaya na namin 'to." Sabi ni Maqui.
Tumingin sa akin si Elmo at tumango na lang ako.
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
Fan-FictionJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...
