"Hello?"
"Julie?"
"Maq! Kailan nga pala lipat niyo dito?"
"Hindi pa namin alam eh. Pwede na ba ngayon?"
"Oo naman! Ano ngayon na?"
"Sige. Sige. Tawagin ko na lang sila."
"Sige. Anong oras?"
"Around 3 pm."
"Okay. Bye."
"Bye. See you."
Tumayo na ako sa kama at humarap sa salamin.. Di ko mapigilang hindi ngumiti, ang ganda ko na.. Si yaya nga di na ako makilala kagabi.. Dumiretso muna ako sa banyo para maghilamos. May binigay sakin yung stylist kahapon na moisturizer. Sabi niya gamitin ko daw para naman mabawasan ang mga dry skin sa mukha ko.. May 3 guest rooms kami dito.. Bawat room may tig dalawang bed. Kaya sakto lang.. nag pulbos na ako atska ko sinuklay ang buhok ko, ang lambot na nito ngayon.. Tutal, 7:30 pa lang mag jo-jogging muna ako.. nasa village naman kami eh.. nag leggings ako atska kumuha ng isang tshirt sa mga binili namin kahapon.. Nag suot na rin ako ng rubber shoes. Atska ko inipit ang buhok ko.. Kinuha ko ang earphones ko at cellphone saka na ako bumaba.. Nakita ko naman si yaya sa kusina na nagluluto..
"Ya, jogging lang po ako."
"O sige. Pero balik ka kaagad ah? Ito at nagluluto na ako ng almusal."
"Sige po. Nga po pala mamaya na ang dating ng mga kaibigan ko.."
"Ah ganun ba? O sige. Dalhin mo na tong tuwalya para kapag pinawisan ka.. Atska itong tubig.." saka niya inabot yung towel at bottled water.
"Thank you ya."
"Sige na at lumarga ka na.."
Lumabas na ako at sinuot ang mga earphones ko.. Nag start na akong mag jogging.. Napakaaliwalas sa pakiramdam. Ngayon pa lang ulit ako nakapagjogging dahil nga sa looks ko before, di ako makalabas labas.. Maramirami ring napapatingin sakin.. Mukhang di nila ako mamukhaan.. Kung dati nilalait lait nila ako.. Ha! Ano sila ngayon? Sabi ko na eh. Kapag ako gumanda who you sila sakin. Maiinggit kayo! Bwahahaha. Huy! Joke lang! Di naman lalaki ulo ko, humble toh noh..
BLAG!
"A..aray!" Awwts sakit ng pwet ko.
"Ay! Miss sorry sorry pasensya ka na." Saka niya ako tinulungan patayo.. Napatingin naman ako sakanya.
"Ivan?" Tumingin siya sakin na waring nagtataka.
"Miss? Kilala mo ko?" Di ba niya ako mamukhaan?
"Eh ako di mo na naalala? Si Julie toh uy!" Nanlaki naman ang mga mata niya.. Ganun ba kalaki transformation ko?
"Julie? Ikaw ba talaga yan? Di nga?"
"Oo naman!"
"Wow! Ang ganda mo!" Ewan ko pero biglang nag init ang mukha ko. Kita ko sa mga mata niya na kumikinang eh. Kumikinang nga ba? Basta. Kinikilig ako.
"S..salamat."
"Saan punta mo?"
"S..sa park sana.. Nag jo..jogging."
"Pareho lang pala punta natin eh. Tara lakad na lang tayo."
"Sige." Nag umpisa na kaming naglakad. Medyo awkward nga eh..Wala kasing nagsasalita. Eh hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko..
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanfictionJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...