Monday came, and it was never the same mondays I've encountered. Antok na antok pa ako at gustong-gusto kong matulog pero hindi ko magawa.
Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, ang reaksyon niya ang lagi kong nakikita. And I always ended up crying.
Hindi umalis sa tabi ko ang apat kong kaibigan. Even now, kasama ko pa rin sila sa corridor na naglalakad.
At parang katulad lang ng dati, pinagtitinginan nanaman ako ng mga estudyante.
'I heard break na daw sila ni Elmo?'
'Sayang naman, bagay na bagay pa naman sila!'
'Balita ko, siya daw nakipaghiwalay! Tsk. Kung ako sakanya hindi ko na hihiwalayan si Elmo.'
'Kawawa nga si Elmo eh, ngayon lang siya nasaktan ng ganito. Balik tuloy siya sa pagiging babaero.'
Napapapikit na lang ako sa mga naririnig ko sa tabi-tabi. They don't know my reason! Alam kong nasaktan ko si Elmo, pero nasasaktan din naman ako ah?
Naramdaman ko sa likod ko ang paghaplos ng mga kamay nina Maqui at Aina na nasa parehong gilid ko.
"Pabayaan mo na, wala silang alam..." bulong ni Maqui.
Tumango na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Pumasok na kami sa loob ng classroom at kaagad umikot ang mga mata ko.
Wala siya doon.
Guminhawa ang pakiramdam ko ngunit nakaramdam rin ako ng kirot sa puso ko.
Nandoon din si Glenn. Sumulyap siya pero nagiwas rin ng tingin. He probably know by now.
Mabilis talagang kumalat ang mga balita.
Umupo kami ng magkakatabi at hinintay ang adviser namin.
Tumingin ako sa aking relo para matignan ang oras. Limang minuto na lang at darating na si Ma'am ngunit wala pa siya.
Bakit ba hinahanap ko pa siya? I can't, right? I shouldn't.
Nakuha na ngang makarating ni Ma'am at wala pa rin siya. Pinadiretso na niya kami sa school auditorium para sa practice namin sa graduation.
Hindi ko nga siguro siya makikita ngayong araw. Mabuti na rin 'yon kaysa naman masaktan na lang ako ng paulit-ulit.
Itinuro sa amin ang lahat ng gagawin. Umpisa sa martsa at sa pagbibigay ng mg diploma at iba pa.
Naka-arrange din ang mga seats namin alphabetically. Kung nandito siguro si Mitch ay makakatabi ko siya ng upuan. Kaso sa Cebu na daw siya mag aaral ng college at nagsadya mismo ang mga magulang niya na kunin na agad ang diploma niya para makapunta na sila sa Cebu.
Nasa part na kami ng magiging graduation song namin. It was a very familiar song kaya nakakasabay naman kami kahit papaano at may mga kanya-kanya rin kaming mga kopya ng kantang ito na ibinigay bago nagumpisa ang practice namin.
Nasa kalagitnaan ng kanta nang unti-unti itong humihina at natigil.
Napaangat ako ng tingin at nakita ang isang babae at lalaking nang agaw ng maraming atensyon.
Biglang kumirot ang puso ko sa nakita at kahit na gusto kong alisin ito ay napako na yata ito sakanila.
It was him, Elmo.
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanficJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...