Ngayong pagpasok ko sa school, infairness, di ko feel ang bad spirit ni Magalona.. Wala rin masyadong tao ngayon sa corridor.. Sana araw-araw ganito.. Habang naglalakad ako, biglang may umakbay sakin.. Napatingin ako sa taong yun.. Nagulat ako ng makita ko si Charles Fraizer -.-' Isa sa mga kaibigan ni Elmo.. Akala ko pa naman matatahimik na ako.. Sa pagkakaalam ko, playboy rin ang isang toh eh.. well, playboy talaga siya.. Mukha ngang mas lalamangan pa niya si Elmo sa pagiging playboy.. Pssh. Ngumingitingiti pa ang putcha! Tumigil ako kaya napatigil din siya at humarap sa akin.
"Good Morning Julie!" Tinignan ko lang siya ng masama.
"Close ba tayo?" pagtataray ko sakanya.. Ang FC naman kasi! Pare-pareho talaga sila! Kahit panget ako, may pagkamataray din ako noh! Okay, Ako na choosy! Gwapo toh pero di ko siya feel. Mas malakas pa rin ang dating ni Ivan para sakin.
"Awwts naman. Nakikipagkaibigan lang yung tao." nagpaawa effect pa siya. Akala mo naman nakaka-awa talaga.. Iniwan ko na lang siya dun at naglakad ulit.. Umakbay nanaman siya kaya hinarap ko na siya..
"Hoy! FC ka talaga eh noh! Ano bang pakay mo?!"
"Ang choosy mo naman! Eh halos lahat ng babae dito halos magmakaawa na para lang malapitan ako eh.. ako na nga ang lumalapit.." aba! Ang yayabang talaga nila! Akala niya di ko narinig yung huling binulong niya ah!
"Hoy!-"
"Sinong choosy pare?" Bigla nanamang may umakbay sakin. Nakita ko naman si Jasper Mendoza -___-'
"Si sungit. Ay! Si Julie Anne pala!"
"Anong sabi mo?!" Kumalas ako kay Jasper. Pero kaagad niya rin akong hinawakan.
"Chill! Chill ka lang Julie Anne!" sabi ni Charles. Nang aasar lang?
"Oo nga.. Chill lang! By the way, good morning Julie Anne!" Biglang sambit ni Jasper. Chill Chill pa silang nalalaman! Che!
"Walang good sa morning ko."
"Bakit? Dahil ba wala si King?" Ano naman kinalaman ni Elmo dito? Bwisit.
"Pakialam ko ba sa King niyo!? Porket di good ang morning ko, ay dahil na kay Elmo? Di ba pwedeng sa inyong dalawang asungot na muna?"
"Awwts naman. Grabe ka namansamin Julie Anne." Sabi ni Charles. Kanina pa to awts ng awts ah! Huminga ako ng malalim at hinarap ko silang dalawa.
"Alam niyo.. good na sana talaga ang morning ko eh.. As in mag sasaya na talaga ako dahil di ko feel ang bad spirit ni Magalona.. Pero kayo! Bigla bigla na lang kayong sumulpot! Oh nasaan na yung isa? Baka bigla na lang din sumulpot!"
Nagkatinginan sila saka nila ako hinarap ulit..
"Alam mo, wala rin naman kaming balak na sundan ka eh.. Sa totoo lang mas gugustuhin na lang namin pumunta sa mga girls namin doon at makipag flirt.." Charles.
"Oh ayun naman pala eh! Tsupi na!" pagtataboy ko sakanila.. Nagkatinginan ulit sila at saka umiling.
"Di pwede. Binilin ka ni King sa amin. Kaya gustuhin mo man o hindi, makakasama mo kami buong araw." What the?! Bakit naman ako ibibilin ng mokong na yun sa mga asungot na toh?
"Hindi ko kayo kailangan okay? Atska ibinilin? Bakit naman niya ako ibibilin sainyo aber?"
"Eh kasi nga baka daw maulit yung kahapon!" Mukhang naasar na sagot ni Jasper. Mukhang nakukulitan na siya. Kasalanan nila yun noh! Madami lang talaga akong tanong.
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanfictionJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...