Pagkauwi ko, as usual, tahimik sa bahay.. Kagaya ko.. tahimik lang.. Ang boring noh? Pero kung alam niyo lang.. Noong bata pa ako, maingay sa bahay na ito.. Puno ng kasiyahan, tawanan, kwentuhan kasama sina Daddy, Mommy, Granny at Grampa... My mom and dad ain't that busy back then.. until granny and grampa died in each others arm.. Medyo nakakapagtaka nga na namatay silang sabay.. Pero di mo nga naman masasabi kung kailan ka kukunin diba? Well, hindi na lang kasi sila nagising eh.. But I actually admire them.. Sila nagpatunay na may forever eh.. Pero ayun nga.. After they died, naging boring na ang buhay ko.. Lagi na lang busy sina mommy sa work.. Minsan nga kahit sa birthday ko or holidays di pa rin kami nagsasama eh.. Kaya eto, si yaya lang ang kausap ko.. Idinadaan ko na lang rin sa pagbabasa ang kalungkutan ko..Wala akong friends. Nahihiya akong lumapit eh.. Atska mukhang wala naman silang balak makipagkaibigan sakin.. Ngayong 4th year lang talaga meron.. Ganito na ang mga sinusuot ko simula naging busy sina mama.. si yaya kasi may pagka old fashioned din.. No wonder ganito ang mga suot ko.. Well sa totoo lang komportable pa ako kapag ganito ang suot ko.. Pero enough of that na.. Matutulog na ako para magising ako ng maaga bukas..
---
7am nang makarating ako sa school.. Maramirami na rin ang mga estudyante.. Pero nagpapasalamat na akong hindi na nila ako tinitignan at punagbubulungan.. tho may mga iba pa ring nakatingin sakin.. Hayaan na nga! Di naman maiiwasan yan. Dumiretso na muna ako sa locker ko kukunin ko lang ang mga librong gagamitin ko.. Habang kumukuha ako ng libro biglang nagsimula ang tilian ng mga estudyante.. Napabunting hininga na lang ako.. Sina Elmo ito for sure.. napatingin ako kung saan nanggaling ang tilian at nakita ko silang tatlo.. Si Elmo nasa gitna nila.. Naka varsity jacket at may headphone sa leeg.. tinatakpan niya siguro yung sugat niya.. Nakita kong napatingin sila sakin.. Nagiwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagkuha ng libro.. Paglingon ko, nagulat ako ng makita ko sina Charles at Jasper sa likuran ko.."Anong kailangan niyo?"
"Bakit mo naman kasi kami iniwan kahapon?" nagdadabog na tanong ni Charles.. Parang bata lang?
"Alam mo bang hiningal kami sa kakahabol sayo?" Si Jasper.
"Oo nga! Hindi namin alam na runner ka pala! Muntikan ka pa palang napahamak! Buti na lang nandoon si-" may tumapik sakanila.. Napatingin ako sa likuran nila at nakita ko siya..
"Elmo.." nagsenyas si Elmo sakanila na umalis na.. Pero bago pa siya nakaalis may narinig ako binulong niya..
"Thank you."
Woah! Thank you ba yung narinig ko? Si Elmo nagpasalamat? Totoo ba yun?! Atska FIRST TIME! As in FIRST TIME NIYA AKO DI INASAR! Katapusan na bang mundo? Epekto kaya yun nung sakit niya? Or yung alcohol na nilagay ko? Or yung gamot? O baka may nakain lanh siya? Di lang talaga ako makapaniwala.. Yun naman talaga narinig ko diba? Naglinis ako ng tenga kaya imposibleng mali ang narini-
"Uy!" Bumalik ako sa ulirat ng makita ko si Ivan na nakangiti sa akin..
"Ivan?"
"Oh? Ako nga. Good Morning Julie!" Ngiti niya sa akin.. feeling ko natutunaw ang puso ko.. Ang cute niya..
"Good Morning." Balik ngiti ko sakanya..
"Hahaha. You're blushing...Cute." Tumatawa siya na naiiling.
"Ha? Hinde noh! Rosy cheeks lang talaga ako!" Depensa ko.. bakit kasi di natin makontrol ang kilig eh! Atska cute?! Seryoso? Binulong niya lang yun pero yun talaga ang narinig ko! Grabe feeling ko ang init na ng pisngi ko.. Shocks nakakahiya!
"Okay sige. Sabi mo eh. Hahaha. " hinampas ko siya sa braso tapos nag peace sign lang siya.. Atska kinuha niya sakin ang mga dala kong libro.. Gentleman (smile)
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanfictionJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...