(A/N: iniba ko po yung title ng story... That Day When Our Hearts Met)
◆✳◆
"Tsk! Nakakainis na siya ah! Wala man lang ba siyang naaalala ngayong araw?!" bulong ni Julie habang napapapadyak pa ng paang naglalakad papunta sa may locker niya.
First monthsary nila ngayon. Hinatid lang siya ng binata sa classroom nila kanina ng walang anumang bati. Kaagad rin itong umalis para sakanilang practice. Hindi niya rin naman ito nagawang batiin marahil na rin sa kadahilanang gusto niyang mauna ito sa pagbati.
"Talaga bang wala lang sakanya yun?" Bulong nito ulit at napabuntong na lang ng hininga. Pagkabukas niya sa locker niya ay may nakita siyang papel na nahulog. Kaagad niya yung pinulot at nagbabakasakaling iyon ay galing kay Elmo.
Nadismaya siya nang makitang galing lang iyon kay Maqui.
'Bes, punta kang gym pagkabasa mo nito. :)'
Tinignan niya ang relo niya at mahabahaba pa naman ang break time nila. Saktong vacant pa sa susunod na klase. Nagbuntong hininga ulit siya at nagsimula ng maglakad papuntang gym. Papalapit na siya ng mapansin niyang nakasara ang pinto doon, pagkapasok niya ay walang ni isang ilaw na nakabukas. Kinuha niya ang cellphone niya at nagumpisang tumipa ng mensahe nang may bumukas na isang ilaw na nakatutok sa lalaking kanina pa niya iniisip.
May hawak itong mic habang nakatingin sakanya. Nagulat siya ng may tumugtog bigla sa paligid niya saka naman ito nagumpisang umawit.
My angel,
How'd you get to be so fly?
How'd you get to shine so bright, girl?
How'd you get to look like that?
Heaven, don't you call her back, yeahHalo, halo, I'm not sayin' hi,
Baby, there's a ring above your head,
And it shines so bright in the sunlight, in the sunlight
Ayo, ayo, this is like a dream
Every bit of you ‒ it makes me weak,
How did I get here?
In the sunlight, in the sun..?Mas lalong lumalim ang tingin nito sakanya atska ito ngumisi na nakapagpahina sakanya.
I must be in heaven, 'cause I'm lookin' at an angel
Who's starin' back at me, her eyes so heavenly.
I must be in heaven, 'cause I'm lookin' at an angel
There's no one on this earth that's made this beautiful
I must be in heaven...Nagbukas isa isa ang mga ilaw saka niya napansin ang isang red carpet na tinatayuan niya, diretso ito kung saan nakatayo si Elmo ngayon. Nakita rin niya ang mga kaibigan niya at ang ibang mga estudyanteng halatang halatang nagpipigil ng bibig sa kilig at pagsasalita.
"Happy First Monthsary Queen. That was for you." Sabi nito sabay kindat sakanya. Natatawa na lang siya't naiiling sa ginagawa ni Elmo para sakanya. Lumapit naman si Jasper sa binata at inabot nito ang isang boquet of red roses at isang box ng chocolates. Pero bago iyon, nagulat silang lahat ng mag alis ng pangitaas na damit ang binata bago kinuha ang mga inaabot ng kaibigan sakanya.
Halos magkandaumayaw naman ang mga estudyante sa gym. Lalong lalo naman si Julie na sobrang namumula na ngayon sakanyang kinatatayuan. Ilang sandali pa ay tumugtug ang 'teach me how to dougie' biglang sumayaw ang binata na nakapag palakas ng tili sa gym. Palapit siya ng palapit kay Julie habang sinasayaw niya iyon. Hindi maikakailang malambot ang binata at may angas ang pagsayaw nito. Tumigil ang binata nang nasa harap na siya ng dalaga. Tila biglang tumahimik nanaman ulit at hinihintay ang mga katagang bibigkasin nila... Binigay na ni Elmo ang mga dala niya para sa dalaga bago niya ito binigyan ng halik sa pisngi. Kaagad namang yumakap ng mahigpit sakanya ang dalaga bago bumulong...
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanficJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...