Bwisit talaga yung Elmo na yun. Dahil sa sinabi niya, inaasar na tuloy kami ng barkada.. Oo. Barkada.. Barkada na daw kami eh.. Yung mokong na yun, ngumingiti ngiti pa. Kala mo naman nakaloko.. Ang yabang lang! -.- Papunta ulit ako sa locker ko, kukunin ko na mga books ko.. Kasama ko sina Maqui kanina pero diretso gym sila dahil pagme-meetingan daw nila ang pag alis nina Jaimee at Iris..
Pagkabukas ko ng locker ko, may nahulog na sticky note.
Smile. Show them your gorgeous face, Princess. Prove them wrong. -Black Angel
Black Angel? Teka sino toh? Nga pala, kanina pa ako pinagtitinginan ng mga estudyante dito.. Maayos na uniform ko, yung palada hanggang tuhod na lang.. Yung hair ko, straight na at naka headband. Yung salamin ko di na yung makapal, tung manipis na lang.. Mostly boys ang mga nakatingin. Nakakailang nga eh.. Kinuha ko yung sticky note saka ko isinipit sa book ko. Naglakad na ako papuntang room nang may lalaking pumunta sa harapan ko, si Bry. Yung feeling gwapo dito sa school. -.-
"Hey geek chic. What's your name?" Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ano nanamang kagaguhan yan Bry?"
Nakita ko namang nagulat ang ekspresyon niya."Woah. Kilala mo pala ako Miss? So... may I know your name?"
"Julie!" Lumingon naman ako sa tumawag sakin.. Si Ivan, naka varsity jacket.. Ang gwapo niya talaga. Lumapit siya samin saka niya ako inakbayan.
"May problema ba?" Tanong niya.
"Teka. Julie? As in Julie Anne na nerd?" Gulat na tanong ni Bry. Tumango naman ako.
"Di nga?!"
"Bakit pre? Di ka ba makapaniwala? Sige una na kami ni Juls." Nakita kong napanganga naman si Bry. Ha! Akala niyo ha? Minsan na akong binully niyang si Bry. Nakakainis nga ugali niyan eh. Napaka feeler.
Nauna na kami ni Ivan at iniwan namin siyang nakanganga doon.. May mga estudyante rin na nakarinig at sinamahang ngumanga si Bry.
"Grabe Juls, ang daming di nakakilala sa iyo ha?"Ngiti niyang sabi.
"Oo nga eh.."
"Ngayong gumanda ka na, you should prove yourself to them. Pakita mo na nagkamali sila dati sayo.."
Prove myself? Ganyan din nakasulat doon sa sticky note ah? Posible kayang si Ivan si Black Angel? Ayoko namang mag assume, pero sana siya nga... Sino ba kasi yun? May nakadrawing pa ngang maliit na angel na parang may sungay eh.. What does that even mean?
Pagkarating na pagkarating namin sa room ko, pinaalalahanan naman ako ni Ivan sa dating naudlot naming breaktime together.
"Juls. Sabay tayo mamaya ah? Oh wag kanang mag back out. Sinabi mo ililibre mo ako." Napatawa naman kaming pareho doon. Nangako nga pala ako sakanya.
"Oo naman. Haha. Sige kitakits mamaya ah?"
"Sige.sige.." paalis na sana siya ng maalala ko yung nagbigay ng sandwich at juice sakin before.
"Ivan?" Lumingon siya sakin na oarang nagtatanong at ngumiti.
"Uhmm.. ikaw ba nagpabigay sakin ng sandwich at juice before?" Mas lumapad naman ang ngiti niya.. So siya nga?
"Bakit? Sino ba satingin mo?" Nagtitigan lang kami.. satingin ko? Satingin ko siya nga yun..
"Sige una na ako.." tumango na lang ako sakanya.. Pumasok na ako sa room at halos lahat nakatingin sa akin..
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanficJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...