Chapter Thirteen

1.3K 44 1
                                    


"Elmo ano ba?!" Sigaw ni Julie habang naglalakad patungong backstage.. Kakatapos lang ng kanilang performance. At tila naiinis pa rin si Julie sa presensya ng binata.

Mas naging sweet pa kasi sa inaakala niya ang naging performance nila. Sumusunod lang naman si Elmo sa dalaga at pilit niyang inaabot ang kamay nito.

"Wala ka man lang bang ka-sweetan sa katawan?!" Tila naiinis nang tanong ng binata. Inis rin namang lumingon ang dalaga sakanya.

"Eh sa wala eh! May magagawa ba ako?!" Tumalikod ulit ito at akmang kukunin na ang gamit nang hinawakan ulit ni Elmo ang kamay niya.

"May ipapakita ako sayo." Sabi ni Elmo ngunit parang wala lang kay Julie at pilit pa rin itong pumipiglas sa pagkakahawak.

"HEY! GET OFF!! BITAWAN MO AKO!!"

"Sandali nga lang to!"

"EH SA AYOKO NGANG SUMAMA SA IYO EH!"

"MAY IPAPAKITA NGA LA-"

"AYOKO NG-"

"Princess." Natigilan silang pareho at napatingin sa may bandang likuran nila. Napabitaw si Elmo sa pagkakahawak at tska siya umalis sa lugar.

"Mom?" Kaagad namang tumakbo si Julie papunta sa ina. At binigyan ito ng mahigpit ng yakap.

"Aww. My Princess.." Di napigilan ng dalaga ang pagpatak ng kanyang luha marahil na rin sa pagka-miss sa ina.

"Mom, I missed you so much!"

"Me too, Princess. You did great kanina ah?" Napakalas naman si Julie mula sa yakap.

"You watched?" Ngumiti naman saka tumango ang kanyang ina. Tila namula naman ang mukha ng dalaga at napatakip siya ng mukha.

"Hey. Don't be shy. Bagay naman kayo nung partner mo eh. Feeling ko tuloy teenager ako nung pinanood ko kayo." Ngiting sambit ng ina.

"Pero Mom.."

"Hay. Ang anak ko nga naman oh.. Dalagang dalaga na." Sabi nito saka hawak sa mukha ng anak.

"Mom, si Dad?" Pagiiba niya ng topic dahil alam niyang hindi maganda ang patutunguhan nito.

"Well, unfortunately anak, di nakarating daddy mo. May business meeting kasi siya ngayon eh."

"Okay lang Ma. Kaysa naman makita niya yung kanina.." natawa naman ang ina sa nasabi ng anak.

"Ano ka ba naman anak, bakit ba pinoproblema mo yung performance mo kanina?"

"Haayyyy. Long story Mom. Baka umabot tayo bg siyam siyam kung ikukwento ko pa sa iyo."

"Hahhahahaha."

"Mom bakit ang bilis naman?" Tanong ni Julie habang tinitignan niyang nag lalagay ng make up ang kanyang nanay. Pagkabalik na pagkabalik kasi sa Abroad, may a-attend-an itong meeting.

"Princess, alam mo naman nak na marami kaming responsibilidad ng Dad mo diba?" Napabuntong hininga nalamang ang dalaga dahil wala naman na siyang magagawa pa rito.

"Okay Mom. Ikamusta mo na lang ako kay Dad."

"Sure Baby."

"Ingat ka dito okay? Don't skip meals. Inihabilin na kita sa partner mo."

"Ha? Sinong partner?" Ngumiti siya sakin saka niya ako tinap sa balikat.

"The one who made me flew here from states." Huh? Sino naman yun?

That Day When Our Hearts MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon