Chapter Nine

1.8K 56 3
                                    

A/N: maiksi lang.✌

----

"Hoy! Bakit ka nakatingin sa akin?"

"Ha?"

"Sabi ko, bakit mo ako tinitignan? May gusto ka sakin noh?" Kumunot naman ang noo niya saka ngumisi.

"Porket nakatingin, may gusto na agad?"

"Eh bakit ka nga kasi nakatingin?"

"Bakit ba?"

"Duhh. Nakakailang kaya!"

"Talaga? Bakit ka naiilang? May gusto ka sakin noh?" Hala! Ang yabang neto.

"Wow ha! Porket naiilang may gusto na agad? Di ba pwedeng feeling ko, may nambabalak ng masama sakin?!"

"Tsk." Sabi niya saka tumingin ulit sa blackoard.

"Hoy Elmo! Bakit ba ayaw mong sabihin kung bakit ka nakatingin sakin kanina ah?!" Napalingon naman siya sakin at ngumisi.

"May muta ka pa kasi. Di ka ba naligo?" Napahawak naman ako sa mga mata ko. Hala! Meron nga! Di kasi ako nakaligo kakamadali kanina eh.. Pero nag toothbrush naman ako noh!

"E...eh ano ngayon?! Mabango naman ako ah!" Sabi ko saka ko inamoy ang sarili ko.

"Talaga? Paamoy nga?" Hinampas ko naman siya sa braso. Ang eww lang ah!

"Manyak!"

"Tsk. Ayaw mo lang paamoy, kasi maasim na ang amoy mo. Lalo na kilikili mo!" Aba! Di ako umaasim no! Ang sweet nga ng amoy ko eh!

"Hoy! Bakulaw! Di ako amoy maasim noh! Ang sweet sweet nga ng amoy ko eh!"

"Weh?"

"Oo nga amoyin mo pa!" Sabay taas ko ng kamay ko.. Oops! What the? Julie Anne naman! UTAK PAGANAHIN!!

Bigla niya akong hinatak at hinawakan sa bewang.. Kaya napunta ang kamay ko sa balikat niya. Yung kilikili ko naka tapat sa mukha niya at humarap siya dito at inamoy ako..

"Julie Anne? Elmo Moses? What are you two doing?" Napakalas naman kaagad ako kay Elmo.. Lahat sila nakatingin sa amin.

"W..wala po.."

"Pinapaamoy niya lang po ang kilikili niya." Napatingin naman ako sakanya at tinignan ko siya ng masama. Nakangisi lang siya. Yung demonyong ngisi niya. Nagtawanan naman silang lahat.

"Is that true Julie Anne? Pinapaamoy mo ang kilikili mo sa seatmate mo?" Nakataas kilay na tanong ni Ma'am na may maliit na ngiti sa labi.

"O..ofcourse not Ma'am! Eh siya nga po itong may gustong amoyin itong kilikili ko eh!" Mas lalo namang lumakas ang tawanan.

"Eh paano di nali-" kaagad kong tinakpan ang bibig ni Elmo dahil alam ko na ang sasabihin niya.

"Five minutes na lang time niyo Ma'am! Sulat na tayo!" Kaagad kong sabi. Tumingin namansa relo si Ma'am at tumango.. Kaya ipinagpatuloy na nila ang pagsusulat.. di ko pa rin inaalis sa bibig ni Elmo ang mga kamay ko.. Linapit ko ang mukha ko sakanya para walang makarinig samin..

"Ipapahiya mo ba ako ha?!" Bulong ko sakanya.

"Sana." Sabi niya sabay ngisi.

"Ang sama mo talag! Papatayin na talaga kita!"

"Patayin mo." nanggigigil na ako kaya kinurot ko na lang siya. Atska na ako bumalik sa pagsusulat..

That Day When Our Hearts MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon