---
Second day of school ako pa rin pinagtitinginan. Ganun ba ako kaganda? Hayy mga tao nga naman! Dumiretso na ako sa klase ko.. Halos five minutes na lang rin at mag start na first class ko.. Anong section ko? Syempre One! Ano pa't naging nerd ako diba? Wew. Dejokelang.. Umupo ako sa pinkalikod iyong sa pinakasulok din. Sige na! Oo na! Ako na loner! Eh sa wala akong friends eh! Minsan naisip ko rin kung bakit ayaw nila sakin makipagkaibigan.. Pero naisip ko rin na mas maganda na 'to kaysa naman magkaroon ako ng pekeng kaibigan diba? Ilang sandali pa dumating na si Ms. Henson.. siya yung adviser namin this year.. Bagets pa kaya sinasakyan niya ng madalas mga trip ng mga kaklase ko.. Fav ko din yan.. Mabait yan eh.. Wag mo nga lang gagalitin.."Good Morning Class!"
"Good Morning Ma'am!" Bati naming lahat..
"Bago tayo mag start may ipapakilala muna ako sainyo.. Pero mukhang kilala niyo naman na siya eh.." lumapit siya sa pinto, saka niya ito binuksan at pinapasok niya si Elmo.. Oo si Elmo...Wait! SI ELMO?!! Anong ginagawa ng badboy na yan dito?!!! Tumingin siya sakin at nginitian niya ako yung mapangasar na ngiti.. Nag tilian naman ang mga babae kong kaklase.. Ang lalandi lang. Magsamasama kayong malalandi! Pwe!
"From now on, magiging classmate niyo na si Mr. Magalona. Dahil nga sa napaka walang kwenta at tamad siyang estudyante, inilipat namin siya dito para magtino siya.." natawa ako sa sinabi ni Ma'am.. Nakita kong tumingin siya kay Ms. Henson na nakakunot ang noo. HA! BAGAY NGA SAKANYA! Tumingin siya sakin saka ko lang siya nginitoan ng may pangaasar. Akala niya ha..
"Pwede na ba akong umupo?" Tanong niya kay ma'am.. Grabe wala talaga siyang modo.
"Sige. Go to your seat." Nakita ko papalapit siya sakin.. Bakit pumupunta siya dito? Tinignan ko ang mga upuan.. Tanging yung sa tabi ko lang yung vacant.. Bakit siya pa ang makakatabi ko? Arrgh. Pagkaupo niya may bigla siyang binulong..
"Huwag kang mag smile tulad nung kanina.. It's too creepy.. Mukha kang witch." Aba! Loko to ah! Tinignan ko siya ng masama.
"Eh ikaw? Nagulat nga ako kaninang pag pasok mo eh."
"Ah talaga? Na gwapuhan ka rin sakin noh? Kaya ka nagulat." Saka siya ngumiti na naman.. Mas creepy pa kaya ang smile niya!
" Hindi ah. Nagwapuhan agad? Di ba pwedeng nakakita lang ako ng HALIMAW?" saka ko siya inirapan.
"Huwag mo nga akong irapan ng ganyan tanda."
"Anong sabi mo?!"
"Bingi ka pala? Sabi ko mukha kang matanda! Oh wag ka na magalit! Dumarami yung wrinkles mo! Bwahahahaha."
"Bwiset!"
"Julie Anne! Elmo Moses!" nabigla ako at napatingin kay ma'am.. Eto kasing kupal na 'to eh.
"Sorry Ma'am."
"Sorry Ma'am. Dinadaldalan po kasi ako ni Julie Anne eh.."
"Ano?! Eh ikaw nga itong dumadaldal eh!"
"Basta itigil niyo yan! Good mood ako today! Kaya wag niyo ako gagalitin baka mapalabas ko kayo ng di oras."
"Sorry Ma'am." Ulit ko..
"Julie Anne pala name mo ha? Di bagay sayo. Masyadong maganda name mo sa itsura mo.." tinaasan ko siya ng kilay.
"Eh ikaw, di rin naman bagay sayo name mo ah."
"Alam ko yun noh. Masyado akong hot para sa name na Elmo eh." Pa-cool niyang sabi. Kapal lang!
"Hindi yun noh. Pang good boy kasi name mo.. May Moses pa, kinuha sa bibliya.. Kaso mukha ka kasing demonyo kaya di bagay."
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanfikceJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...