Alas siyete pa lang ng umaga ay gising na ako. Pakiramdam ko, naging mababaw ang tulog ko ngayon. Tinignan ko ang sarili ko at suot-suot ko pa ang damit ko kagabi.
Tumayo ako at kaagad dumiretso sa banyo upang maligo. Di maalis sa isipan ko ang unang pagkikita namin pagkatapos ng halos limang taon.
Hinalungkat ko ang maleta ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag ayos ng mga damit sa cabinet. Kinuha ko ang isang blue loose shirt at isang black na shorts.
Gumamit ako ng hair blower at itianali ang buhok ko ng isahan bago lumabas ng kwarto.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay may narinig akong kalampag sa kusina.
Biglang kumalabog ang puso ko at kinabahan. Hindi ba sinarado ni Elmo ang pintuan ng condo ko kagabi?
Dahan-dahan akong sumilip sa may kusina at naamoy ko kaagad ang mabangong amoy ng bacon and eggs.
Nakita ko ang likod ng isang makisig at pamilyar na lalaki na naka white longsleeves na madalas nitong tinutupi hanggang siko.
Hindi ba siya umuwi? Dito siya natulog?
Tumigil muna ako at pinagmasdan siyang nagluluto. Just like before, every moves did defined his biceps more.
I was stunned when he faced me. Nagkatitigan kami, at masasabi kong namiss ko ang mga mata niyang tumitingin sa akin dati. Ang mga matang misteryoso ngunit nagpapakita ng pagmamahal at kasiyahan.
Blanko ang kanyang mukha. Hindi ko rin mabasa ang kanyang mga mata. Kaya ako na mismo ang unang bumawi ng tingin sa aming dalawa.
Tumikhim ako saka umupo sa may counter.
"Hindi ka umuwi?" tanong ko habang umiinom ng tubig.
"Umuwi. Bumalik lang ako dahil ako ang kumuha ng sasakyan mo kanina." aniya saka inilagay sa plato ang mga pinrito niya at kinuha ang mga toasted pan sa oven.
Inilagay niya iyon sa harap ko at itinulak ang plato papalapit sa akin.
"Now, eat." sambit niya.
Kumuha ako ng tinapay saka bacon. Kumagat ako sa tinapay saka ko siya tinignan muli.
"Why are you doing this, Elmo?" tanong ko sakanya.
Tinitigan niya lamang ako at hindi ako sinagutan.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain kaysa sa makipag titigan sakanya. Pakiramdam ko'y di ako mananalo sa mga titig niya sa akin.
Di ko na siya binalingan ng tingin at tinuon ko na lang ang tingin ko sa pagkaing niluto niya para sa akin.
Habang ngumunguya ako ay naramdaman ko ang daliri niyang humawak sa gilid ng labi ko.
Napatingin ako sakanya habang ang tingin niya ay nasa labi ko.
"You're being messy, miss." aniya saka pinahid ang nasa gilid ng labi ko.
Kumunot ang noo ko saka ko siya tinignan.
"If I'm not mistaken, you have a girlfriend, mister. And it's actually rude for you to be here, with me, instead of you being with your girlfriend." sabi ko.
Kumunot ang noo niya saka siya tumalikod upang kunin ang suit niya na nakasabit sa isang upuan doon.
"I have to go. I got work to do." Aniya saka niya ibinaba ang longsleeves niyang nakatupi kanina.

BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
Fiksi PenggemarJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...