"You okay, Juls?" tanong ni Sab habang nakasilip sa labas ng pintuan.
"Yup Sab. Come in." Ngiti ko sakanya.
Nagaalangan naman siyang pumasok at tumabi sa aking kama.
Kakatapos ko lang rin gawin ang mga night routines ko and I was about to sleep.
"We were also worried sick, Julie Anne. Ayoko ng pangaralan ka kase alam kong nagawa na 'yon ng boyfriend mo..." tuloy niya. Tumango ako at nayuko.
"Im sorry. Gusto ko lang talagang mapasaya ang bata..." sabi ko at pinaglaruan ang aking mga daliri.
Nag buntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.
"Just please, don't do that again. Lalo na at hindi ka man lang nagpaalam kung saan ka pupunta. Tapos you left Elmo pa with his ex at sumama ka sa lalaking pinagseselosan niya." Tumango ulit ako saka lumapit sakanya para yakapin siya.
Sab is mostly the playful one. Pero kapag nagseryoso parang nanay mo na.
"He loves you, Juls. He truly loves you. Ngayon ko pa lang nakitang nagkaganito yan sa isang babae..." ani Sab habang hinahagod ang likod ko.
"Baka meron na rin... Si Jasmine?" Tanong ko... Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at mahinang tapik sa likod ko.
"Oh girl! Believe me or not, Jasper told us that, that was the first time he ever saw Elmo panicked for a woman." Bulong niya. Napangiti ako at humiwalay sakanya.
"Really? Baka naman patago?" I said with disbelief. Kase hindi naman imposible yun diba?
"Na ah! Based from my resource, once na rin silang nag away ni Jasmine then Jasmine left para pumunta ng bar pero Elmo didn't care. Alam niya pero hindi niya iyon pinuntahan sa mismong bar kung nasaan ang girlfriend niya." Sabi niya sabay kindat sa akin.
Natawa na lang ako't nailing.
"Where are the others?" Tanong ko.
She playfully rolled her eyes then sighed.
"Tulog na. Si Maqui hindi uuwi. Sumama kay Charles..." Tumango na lang ako.
Narinig kong humikab siya at tumingin sa orasan.
"Alas onse na pala. Sige tulog na ako ah? Good Night Juls." Sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.
"Sige. Good Night, Sab." Ngiti ko.
Hinintay ko lang na makalabas siya atska ko na pinatay ang ilaw at binuksan ang mas maliit pa na ilaw sa tabi ko.
Hihiga pa lang ako nang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag text sa akin. Napangiti ako nang si Elmo ang nakita kong may mensahe.
King:
Hey, still awake?
Me:
Yep. But I'm about to sleep. Why?
King:
Nothing. Can I call?
Humikab ako at nagumpisang tumipa. Ngunit hindi ko pa natitipa ang mensahe ay may nag call na sa cellphone ko.
Hay, this man... he didn't even wait for my reply! Just the same Elmo I knew. Sanang di na nagpaalam.
Kahit ganon ay kaagad ko rin itong sinagot.
"Hello?"
"Hey." Ani niya na may pagka husky ang boses.
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
Fiksi PenggemarJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...
