Naglalakad akong mag isa ngayon sa corridor, nabanggit ko kasi kay Elmo na may gagawin ako kahit wala naman... This is one of my plans, ang lumayo muna sakanya. I'm also trying to be cold, as cold as I could. Para naman magalit siya sa akin.
Naisipan kong dumaan muna sa canteen dahil nandoon sina Maqui at wala sina Elmo.
Pagkapasok ko ay nakita ko kaagad silang nagsasaya. Lumapit ako at binati ko sila isa-isa.
"Oh, wala ka bang gagawin?" Tanong ni Aina.
Nabanggit ko kasi sakanila na magrereview na ako ng todo para sa periodicals.
"Wala naman. Halos araw-araw na akong nagrereview eh." sabi ko saka na umupo sa tabi ni Sab na kaharapan sina Maqui.
Nakita kong nakatingin si Maqui sa likod ko nang nakataas ang kilay.
"Anong meron sa'yo Magalona, at nakakunot ang noo mo?"
I was stunned when Maqui said that. Is Elmo behind me all this time? Nakaramdam ako ng biglang init nang naramdaman ko na nga siya sa likod ko. Damn! He's so close to me!
Tumikhim ako, saka pilit na ngumiti kay Maqui. Tumingin ako kay Elmo na ngayo'y nasa akin ang matalim na tingin.
"Elmo? Anong ginagawa mo dito?" Kaswal na tanong ko sakanya. Kitang-kita ko ang lalong pagkunot ng noo niya.
"Kakain ako." sabi niya saka umupo sa tabi ko.
Ilang sandali pa ay narinig ko na sina Jasper at Charles na nagiingay papalapit sa amin.
Tumayo ako at tumingin kay Elmo.
"Di ka bibili? Bibili muna ako." sabi ko.
Tinitigan niya ako gamit ang mga mapanuri niyang mga mata. "Umupo ka na. Ako na lang ang bibili." aniya saka na tumayo at sinalubong sina Jasper para yayain ang mga ito na bumili.
Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa counter. Pagkabaling ko ng tingin kina Maqui ay nanunuri ang mga mata nila.
Nagkibit balikat lang ako saka na umupo.
"May problema ba kayo, Juls?" Tanong ni Aina.
"Wala naman."
"Eh bakit ganun ang tungo niyo sa isa't-isa?" Ani Sab.
"Ha? Paano?" pagmamaang maangan ko.
"Wala lang. Parang ang cold kase..." sambit ni Sab saka nagkibit balikat.
"And you just actually called him, Elmo." ani Maqui na may panunuri pa rin ang mga mata.
"That's his name, Maq." sambit ko.
Kumunot ang noo niya. "But that's not how you call him." aniya.
Di na ako nakasagot nang mamataan kong papalapit na sa amin sina Elmo na may dalang tray ng pagkain. Kitang-kita ko ang matalim niyang tingin sa akin. Habang ang dalawa niyang alagad ay nasa likod niya't nagtatawanan.
Umupo na ulit sila sa mesa at inabot na niya sa akin ang aking pagkain. Tinignan ko siya at nginitian ng maliit.
"Thanks." ani ko.
Para bang may dumaan na anghel at walang nagsasalita sa aming lahat. Pati ang dalawang nagtatawanan kanina ay natahimik at parang nakaramdam ng tensyon.
Kahit nasa tabi ko lang si Elmo ay ramdam ko ang mga mabibigat niyang tingin sa akin. Unti-unti kong nginunguya ang sandwich na binili niya sa akin, dahil para bang ineeksamina niya ang aking mga galaw.
BINABASA MO ANG
That Day When Our Hearts Met
FanfictionJulie Anne San Jose, a nerd girl. Kung ano ang nai-imagine niyo sa salitang 'nerd' ganoon siya. From those thick eye glasses and her old fashioned clothes, sino nga ba ang magkakagusto sakanya? And of course, she's into books. Kaya magugulat ka pa b...
